Mckenzie Pov
Unti-unti akong nagising, parang may hangover pero hindi galing sa alak. I slowly blinked my eyes open, tapos napatingin ako sa paligid. White walls, clean and elegant decor, sobrang aliwalas ng kwarto—parang sobrang perfect ng lahat. Wow, ang linis... am I in heaven?
Medyo groggy pa ako, pero may konting ngiti na sa mukha ko. Teka, patay na ba ako? I thought, feeling a weird sense of calm. Hmm... not bad for heaven. Ang sosyal naman dito.
Hindi ko man lang nasabi kay Athena na mahal ko siya!
Hinaplos ko pa yung bedsheet. Sobrang lambot, parang cloud. Hala, hindi ako handa mag-heaven ngayon, pero... at least ang ganda dito. Napangiti ako habang iniisip ko kung ito na ba yung afterlife. Ano kaya ang makikita ko dito? Maybe angels? Or baka si St. Peter? Sana wag masyadong strict.
Wait... Bigla kong na-realize yung nangyari kahapon—yung pagdulas ko sa elevator, yung suntok ni Athena, at, oh my god, yung nakita ko! Napatalon ako mula sa kama, parang si Flash sa bilis.
Yikessss ang bobo mo Mckenzie bat mo kasi tiningnan yung panty niya dapat pumikit ka nalang nasuntok ka tuloy
Sht, sht, sht!* Napapanic ako habang nagmamadali akong kinuha ang mga gamit ko mula sa table. I need to get out of here!
Hinawakan ko ang phone, wallet, at kahit yung shoes na nakakalat, sabay nag-sneak palabas ng kwarto as quietly as I could. Para akong nasa spy movie, naglalakad nang dahan-dahan, hoping na hindi ako mahuli. Bawat step ko parang may soundtrack sa isip ko: Dun, dun, dun, dun... Nasa mission ako.
Nang malapit na ako sa main door, halos holding my breath na ako. Yes! I made it!
Pero bago ko pa mahawakan yung doorknob, biglang may narinig akong boses sa likod ko. "And where do you think you're going?"
Napatigil ako bigla, parang na-freeze. Oh no... Dahan-dahan akong tumingin sa likod, parang eksena sa horror movie, pero instead of a ghost, andun si Athena, standing there with her arms crossed, isang eyebrow raised at medyo amused na expression.
"Uh... uh..." Napapilit akong ngumiti, feeling caught. "Alis na sana ako. Baka kasi busy ka... and uh... alam mo na, late na rin ako sa... sa... sa wala," sabay kamot sa batok, obviously struggling to come up with a believable excuse.
Athena just stared at me, trying not to laugh. "Late sa wala?" she repeated, her eyebrow raising even higher.
"Oo!" Sagot ko, feeling more ridiculous by the second. "Kailangan ko na kasing... bumalik... sa bahay." Hindi ko alam kung saan ko pa huhugutin ang mga susunod kong sasabihin.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes