Mckenzie Pov
Maaga pa lang, nagpa-call na si Athena ng emergency meeting. Grabe ang tension sa opisina, parang pwede mo nang hiwain sa sobrang bigat. Kahit hindi naman directly related sa department ko, pinatawag pa rin ako kasi malapit ako kay Athena at involved sa operations. Pagpasok ko pa lang, ramdam ko na ang init ng ulo ni Athena. Alam namin na kaya niyang magalit, pero iba ngayon—may halong takot at pangamba na bihira niyang ipakita.
Umupo ako sa usual kong spot sa likod ng meeting room, kunwari cool lang pero obserbado lahat ng nangyayari. Nakatayo si Athena sa head ng table, seryosong-seryoso, parang hindi tatantanan ang kahit sinong magsalita ng mali. Halatang galit na galit siya—at may dahilan naman. Yung mga pondo sa isa sa mga main accounts ay biglang naglaho, at parang wala kahit sino ang may matinong paliwanag.
"Thank you all for coming on such short notice," simula ni Athena, steady ang boses pero ramdam ang galit sa ilalim nito. "May malaking problema tayo. Kaninang umaga, tinangka kong mag-transfer ng pondo mula sa isang pangunahing account natin. Pero nung trinansfer ko, wala akong natagpuang pera. Walang nagsabi sa akin ng kahit anong issue sa mga pondo, at nagdulot na ito ng significant delays sa operasyon. Kailangan ko ng sagot, at kailangan ko ng sagot ngayon."
Yung finance team, mukhang papunta na sa bitayan sa sobrang takot. Yung mga tinginan nila sa isa't isa, parang may malalim na nangyayari na hindi pa lumalabas. Hindi ito basta-basta accounting error—malalim ito, at mukhang hindi ito nahuli agad.
Si Mr. Ramirez, ang head ng finance, e-cleared ang throat niya, obvious na kinakabahan. "Ms. Madrigal, hindi po namin alam na may discrepancy sa mga pondo. Ayos pa naman ang accounts noong last check namin last week."
Kitang-kita ko ang frustration ni Athena. Ibang level na ito. Yung mga mata niya, parang ready nang sumabog pero pinipigilan pa para magmukhang professional.
"Kung ganun, paliwanag niyo sa akin bakit walang laman yung account. Kailangan ko ng bawat detalye—transactions, transfers, lahat. Gusto ko ng complete audit, at kailangan tapos na yan bago matapos ang araw," madiin na utos ni Athena.
Grabe yung pressure sa room, parang bumigat ang hangin. Lahat kami, alam na malalim ang problema. Pero habang naka-upo ako doon, hindi maiwasang bumalik ang isip ko kay Philip. *Could he have something to do with this?
Sa gitna ng chaos sa meeting room, habang si Athena ay patuloy na nagiimbestiga at nagtatanong sa finance team, hindi ko mapigilan isipin na baka si Philip ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin siya ng pera mula sa Madrigal Cosmetics, walang duda na maaaring ito ang dahilan kung bakit naubos ang pera sa mga accounts ni Athena.
Hindi na ako mapakali sa upuan ko. I had to act fast. Alam ko na hindi pwedeng sabihin ito agad-agad kay Athena—mas lalo siyang mababahala, at mas magiging komplikado ang sitwasyon. Pero kailangan kong kumpirmahin ito. Kailangan ko ng konkretong ebidensya bago ako magsalita.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes