37

81 3 0
                                    

Mckenzie Pov


Makalipas ang apat na araw mula nang mangyari ang rebelasyon tungkol kay Philip, ramdam ko pa rin ang layo ni Athena sa akin. 



Hindi na kami nag-uusap tulad ng dati—lahat ng komunikasyon namin ngayon ay puro tungkol na lang sa trabaho. 



Wala na 'yung mga malalambing na pag-uusap, 'yung mga tawanan namin. It feels like she's building a wall between us.




Kapag nagkikita kami sa opisina, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Hindi ko alam kung paano lalapitan o kakausapin siya nang hindi nagiging awkward. 




Gusto ko siyang tanungin kung kumusta siya, kung okay lang ba siya, pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras.




Nakakapagod din 'yung ganitong sitwasyon, 'yung parang palaging may pagitan sa amin. Every time I try to reach out, I feel like she's pulling away more. Sana maayos ko 'to,  naisip ko, pero parang lalo lang akong nalulunod sa mga tanong ko. 




Alam kong hindi madali para sa kanya, pero sana makita niya na nandito pa rin ako—naghihintay na bumalik ang lahat sa dati.




Pagdating ko sa bahay, bagsak agad ako sa kama. Napakabigat ng araw, at lalo pang bumigat ang loob ko dahil sa sitwasyon namin ni Athena. Habang nakahiga ako, pinipilit kong huwag masyadong isipin ang nangyayari, pero parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.




Bigla kong narinig ang phone ko na nag-buzz. Pagtingin ko, may text si Ridge. Binuksan ko ang message, at doon ako natulala—isang photo ni Philip, nasa Pilipinas. What the hell? naisip ko, habang pinagmamasdan ang larawan. Bumalik siya.





Ramdam ko agad ang kaba at galit na sabay-sabay pumasok sa sistema ko. Anong ginagawa niya dito? At bakit bigla siyang bumalik?




I immediately texted Ridge back, asking for more details. Alam kong hindi maganda ang ibig sabihin nito. Si Philip, nandito ulit—at malamang may plano na naman siyang gawin.




"Thanks for letting me know, Ridge," sabi ko sa text,




napagdesisyunan kong i-text si Athena. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari at kung bakit parang tinataboy niya ako. 

Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon