Mckenzie Pov
Nagising ako nang maaga, mas maaga pa kaysa sa sikat ng araw. Pero kahit hindi pa sumisilip ang araw, hindi na ako makatulog ulit. Kabado at excited akong bumangon. Ito na 'yung araw, sabi ko sa sarili ko. Araw na matagal ko nang pinaghandaan—ang araw na itatanong ko na sa kanya ang pinakapangarap kong tanong.
Tumingin ako kay Athena, nakatulog pa rin siya, mukhang sobrang payapa at relaxed. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na dumating kami sa puntong ito—pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, ngayon nandito kami.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, nag-iingat na huwag siyang magising. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala, mabilis na kinuha ang phone ko sa bulsa. Kailangan ko munang tumawag.
dinial ko ang number at inantay kong sagutin sa kabilang linya. Pagkatapos ng ilang ring, sumagot si MJ sa kabilang linya, medyo curious ang tono.
"Uy, ang aga mo, McKenzie," bati niya. "May kailangan ka ba?"
"MJ, today's the day," sabi ko, hindi maitago ang excitement sa boses ko. "Lahat ba ayos na?"
Saglit siyang natahimik, tapos narinig ko yung tawa niya. "Siyempre, ayos na lahat! Ready na ang buong lugar, handa na rin ang surprise"
"Salamat, MJ. Hindi ko magagawa 'to kung wala ka."
"No problem. Basta para kay ate Athena, andito ako lagi, alam mo 'yan." Biglang seryoso tono niya, pero nagbiro ulit. " Ngayon lang ako nakarinig ng kaba sa boses mo, ha. Hindi ka ba sigurado?"
Napatawa ako ng mahina. "I'm sure, MJ. Sobrang sure. Kaya nga sobrang kaba ko rin ngayon eh."
"Walang pressure, ha!" balik niya, natawa na rin. "Pero seryoso, magiging perfect 'to. Relax lang, McKenzie. Alam kong mahal na mahal ka ng pinsan ko. Wag ka lang makalimot huminga, okay?"
Ngumiti ako, medyo gumaan ang pakiramdam. "Oo na, hihinga ako. Salamat ulit, MJ."
"Good luck! See you mamaya."
Pagkatapos ng tawag, tumayo ako doon ng ilang sandali, pinoproseso lahat. Ito na 'yung araw na ipapakita ko kay Athena kung gaano siya kahalaga sa akin. Araw na gusto kong maging simula ng pangarap namin.
Napatingala ako sa itaas, sa direksyon ng kwarto namin kung saan mahimbing pa ring natutulog si Athena. Ngumiti ako. Hindi ko na mahintay makita ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes