Mckenzie Pov
Nagising ako na medyo nahihilo mula sa kasiyahan at inumin kagabi. Huminga ako ng malalim para maalis ang panghihilo, pero habang kumakain ng mabilis na agahan, napagtanto kong mali ang mag-inom nang marami kagabi. May trabaho pa ako ngayon. Ano bang pumasok sa isip ko?
Pagkatapos ng agahan, nagkita-kita kami ng mga pinsan ko sa sala. Lahat sila mukhang pagod din at may mga reklamo tungkol sa hangover.
Bailey: "Hindi ko akalain na tatama nang ganito ang saya kagabi. Parang hindi na worth it."
Jessie: "Oo nga, parang nasagasaan ako ng truck."
Kit: "Akala ko nga pagod lang ako. Pero ang sakit ng ulo ko, grabe."
Florian: "Ugh, bakit ba ang dami nating nainom? Hindi ko na nga maalala kalahati ng nangyari. By the way, nakita niyo ba yung sweater ko?"
Naalala ko kung paano inalis ni Florian ang kanyang sweater habang sumasayaw at iniikot-ikot ito sa hangin.
"Hey, Florian," sabi ko, "naaalala mo ba nung inalis mo yung sweater mo habang sumasayaw?"
Umungol si Florian, "Ugh, hindi ko na nga maalala. Pero sigurado akong mainit na mainit na ako no'n."
Uminom kami ng gamot para sa sakit ng ulo bago maghanda para sa trabaho. Bago kami maghiwa-hiwalay, paalam kami sa isa't isa.
"Paalam mga tol! Mag-ingat kayo sa trabaho, ha?" sabi ko habang naglalakad palabas ng bahay.
"Paalam! Kita-kits mamaya," sagot nila sabay-sabay.
Pagdating ko sa opisina, dumiretso ako sa elevator at pumunta sa floor ng CEO. Pagdating ko, napansin kong wala na ang desk ko sa dating pwesto. Tama nga si Thea, gusto nga yata ni Athena na umupo ako sa loob ng opisina niya, naisip ko. Tumigil ako saglit at binati si Thea na nakaupo sa labas.
"Good morning, Thea," sabi ko habang papalapit sa desk niya.
"Good morning," sagot niya nang may ngiti. "Mukhang maaga ka ngayon ah. Handa ka na ba sa mga pagbabago?"
Tumango ako. "Mukhang gusto nga talaga ni Athena na nasa opisina niya ako."
Tumawa nang bahagya si Thea. "Oo nga. Halika, ipapakita ko sa'yo ang bagong pwesto mo."
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes