18

83 3 0
                                    


Nagising ako kinabukasan at naramdaman ko ang malambot na braso na nakayakap sa akin. Nang tumingin ako, nakita kong si Athena iyon, mahimbing pa rin ang tulog habang yakap-yakap ako. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi—pilit niyang iginiit na sumama ako pauwi sa kanya, na hindi ko naman matanggihan.



Nang makarating kami sa bahay niya, lalo akong nagulat nang makita kong may mga damit na para sa akin sa loob ng kwarto niya, at bago pa. Tila planado na ang lahat. Hindi ako makapaniwala sa pagiging maalaga niya. Matapos kong magbihis, sinabihan niya akong doon na rin matulog sa tabi niya, na para bang natural na natural na para sa amin iyon.



Habang nakayakap siya sa akin ngayong umaga, hindi ko maiwasang mapaisip kung gaano ako kaswerte na nandito, na kasama siya.



Habang nakahiga pa kami, sinamantala ko ang pagkakataon para titigan ang mukha niya. *Damn,* naisip ko, ang ganda niya talaga. Sa tuwing tinitingnan ko siya, lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko. Ang mapupungay niyang mata, ang malalambot niyang pisngi, at ang bahagyang nakangiting mga labi—lahat ng iyon ay tila perpekto.



Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan siya, iniisip kung paano nangyari na narito kami, magkasama. Sa bawat oras na kasama ko siya, lalong nahuhulog ang loob ko.



Bigla na lang siyang nagsnuggle pa lalo sa akin, ang mga kamay niya ay dahan-dahang ipinatong sa abs ko, habang ang mukha niya ay isiniksik niya sa leeg ko. Ramdam ko ang malambot niyang hininga sa balat ko, at hindi ko maiwasang kiligin ng sobra. *Grabe, ano bang ginagawa mo sa akin, Athena?* naisip ko habang nakangiti.



Tahimik ang buong paligid, para bang sa amin lang umiikot ang mundo. Hinayaan ko na lang siyang manatili sa posisyon niya, habang ini-enjoy ko ang sandaling iyon—ang init ng katawan niya sa tabi ko at ang kakaibang saya na hatid ng presensya niya.



Ayoko siyang gisingin, kaya kinuha ko na lang ang phone ko at tinignan ang group chat namin ng mga pinsan ko. May mga message doon na nagtatanong kung nasaan na ako.



Bailey: "Oi, McKenzie, hindi ka ba uuwi? Hinahanap ka na dito!"



Jessie: "Asan ka na ba? Mukhang nawawala ka na sa Earth, ah!"



Kit: "Malala na 'to. Naiwan ka na ba ng UFO?"



Florian: "Naku, sigurado ako kung nasaan si McKenzie... May kadikit!"



Natawa na lang ako sa mga banat nila. Kung alam lang nila kung gaano ako kasaya ngayon, baka lalo nila akong asarin. Pero para makaiwas sa mga tanong, nag-reply ako ng mabilis.

Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon