24

91 3 0
                                    

Mckenzie Pov


Lumipas ang isang linggo mula nang magdesisyon akong ligawan nang official si Athena.



kailangan ko pa ring maging maingat. Hindi pwedeng maging obvious sa opisina, lalo na't baka may makahalata. Kaya patuloy pa rin akong nagbibigay ng bulaklak at nagsusulat ng sweet notes para sa kanya—secretly, syempre.



Sa tuwing iiwan ko ang isang note o bouquet sa desk niya, palihim ko itong ginagawa. Hindi ko hinahayaan na makita ng ibang empleyado, maliban kay Thea. Siya lang ang nakakaalam ng lahat, at natutuwa siya sa mga kalokohan ko.




Kada mababasa ni Athena 'yung note o makikita ang flowers, napapangiti siya ng todo, pero hindi masyadong nagpapahalata




napapansin ko na mas marami akong natutuklasan tungkol sa kanya—mga bagay na dati hindi ko masyadong napapansin. Iba talaga 'yung personality niya kapag mas nakilala mo siya.




She's sweet, pero may pagka-sassy din. May times na cool and composed siya, pero minsan, nakikita ko rin 'yung vulnerable side niya. Nakakatuwa rin na malaman ang mga simpleng bagay na gusto niya—yung favorite coffee, yung mga paborito niyang pagkain, at kung paano siya matuwa kapag bigyan mo siya ng bulaklak.




Napansin ko rin na may malambot siyang puso para sa mga maliliit na bagay. Like, sobrang kilig siya kapag sinasama ko siya sa mga simple gestures, like opening the door for her or making her laugh sa mga cheesy jokes ko.




Aminin ko, habang mas nakikilala ko si Athena, isang bagay ang malinaw—maldita talaga siya. Pero, in fairness, hindi naman 'yung malditang nakakainis. More like 'yung feisty na nakakatuwa at nagbibigay ng spice sa araw ko.




May mga times na, kahit simpleng bagay lang, biglang magro-roll siya ng eyes o magbibigay ng comment na parang sarkastiko, pero kita mo naman na nag-eenjoy siya. Nakakagulat minsan, pero, to be honest, gustung-gusto ko rin 'yung maldita side niya.




Parang may attitude siya na laging ready makipag-away. At kahit maldita siya, hindi ko maitatanggi na nakakakilig pa rin. Ang maldita, pero ang lakas ng dating. buti nalang maganda to




Aminado ako, maldita si Athena, pero ibang level ang pagiging Amazona niya kapag nakikita niya si Mama—ang future mother-in-law niya. Alam mo 'yung instant change ng mood? Parang may switch na bigla siyang nagiging fierce.




At eto na nga, wrong timing na nagkita silang dalawa. May business meeting kami sa Pasay, at nagkataon na dumating din si Mama sa event. , maldita vs. maldita

Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon