22

115 2 0
                                    


Mckenzie Pov


Pagdating ko sa bahay, nakita ko agad silang lahat, busy at excited na parang may paparating na malaking event. Hawak ko ang gitara habang papasok ako, at di ko na napigilan. Umupo ako at sinimulang tugtugin ang melodya ng kanta na nasa isip ko. Nagsimula akong mag-strum ng mga chords, at unti-unting napuno ng tunog ng gitara ang buong bahay.



Bigla silang lahat natahimik at nakatingin sa akin. Ngiti ang bumungad sa mga mukha ng mga pinsan ko.



"Uy, parang seryoso na 'to, ah!" biro ni Florian habang kumakaway pa sa hangin na parang isang fan.



"Si McKenzie, mukhang handa na talaga!" sabi ni Kit, sabay sabog ng tawa.



Sumabay na rin sina Bailey at Jessie sa pagbibigay ng suporta, tapik sa likod, at konting kantyaw. Alam kong ito na 'yung simula ng plano para kay Athena. Sinimulan ko na ang kanta, iniisip kung paano ko gagawin 'tong harana para sa kanya—isang gabi na hinding-hindi niya makakalimutan.



Sinabi ko sa kanila ang kanta na nasa isip ko, at lahat sila agad na sumang-ayon. Nakikita ko sa mga mukha nila na excited na silang lahat para sa harana na 'to. Alam kong special ito, kaya kailangan ko ng something extra para kay Athena.



Agad akong nag-text kay Ridge, "Kailangan ko ng bouquet ng Juliet Rose. Alam mo na 'yung mamahaling bulaklak na nagkakahalaga ng at least 15.8 million."



Saglit lang ang lumipas at bumalik na ang reply ni Ridge, "Sure, boss! Aayusin ko na 'yan agad!" Parang walang kabigatan para sa kanya, talagang game na game siya sa lahat ng plano ko.



Bailey, Jessie, Kit, at Florian nagpalakpakan pa, parang sila na ang mas excited kaysa sa akin. "Grabe, pare, 15.8 million na bulaklak? Tiyak na matatanggal ni Athena ang kilig n'yan," sabi ni Jessie habang humahagikhik.



"Hindi lang kilig, pare," dagdag ni Kit. "Malamang, magpapasakal na 'yan sa 'yo!" Tumawa silang lahat habang tinatapos namin ang practice.



Pagsapit ng 10 PM, dumating na si Ridge bitbit ang bouquet ng Juliet Rose. Agad ko siyang pinasalamatan, at pagkatapos ay nagpaalam na siya. Inayos ko ang hawak kong gitara, sabay naman silang Bailey, Jessie, Kit, at Florian na kinuha rin ang kanila. Ready na kaming lahat para sa harana na 'to.



Nang maayos na ang lahat, sinimulan na naming papunta sa bahay ni Athena. Tahimik ang gabi, pero sa kaloob-looban ko, damang-dama ko ang excitement at kaba. Pagdating namin sa tapat ng bahay ni Athena, lahat kami huminga nang malalim at nag-signal na maghanda.



"Ready na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang pinapakalma ang sarili.

Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon