Mckenzie Pov
Naupo na kaming lahat sa dining table, na para bang isang royal banquet ang inihanda. Dahan-dahang nilapag ng mga staff ang pagkain sa harap namin—pang malakasan, may steak, seafood, at dessert na parang galing sa culinary heaven.
Ang bawat couple, sobrang sweet sa isa't isa. Si Amelia, abalang sinusubuan si Florian ng bawat piraso ng pagkain, parang baby. "Ahhh, open wide, love," sabi niya kay Florian, na mukhang sarap na sarap.
Si Sapphire naman, parang guwardya na nakabantay kay Bailey, sinisiguradong hindi magkamali ng subo.
"Bailey, slowly, baka mabulunan ka pa dyan," sabi ni Sapphire, sabay kuha ng baso para ipainom kay Bailey, na parang kindergarten na inaalagaan.
Si Alana, nagpe-prepare pa ng plate para kay Jessie, at si Emily, medyo tahimik pero halatang alagang-alaga kay Kit, pinupunasan pa ang bibig ni Kit na parang may dumi. Parang ang saya ng lahat... lahat except kay MJ.
Ako naman, syempre, si Athena ang kasama ko. Hinahawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa habang kumakain kami, at minsan sinusubuan pa ako ng pagkain, na parang sa isang cheesy romance movie. Feeling ko, nasa ibang level na ang relationship namin, parang may sparkle every time she smiles at me.
Biglang nagsalita si MJ, na nakaupo sa kaliwa ko, habang nagpuputol ng lettuce. "Sanaol," sabi niya, sabay ng isang mahabang buntong-hininga.
Halos mabulunan ako sa tawa habang sinisilip ko si MJ na nagdrama sa tabi ko. "Pucha, bakit parang lahat may partner, ako salad lang ang kasama ko?" sabi niya, habang umiiling at nag-cut ng lettuce na parang bigat na bigat sa buhay.
"Huwag kang mag-alala, MJ," sabi ni Jessie, habang abala sa pagngata ng steak. "Meron din naman kaming comfort food dito—kanin! Magka-level lang tayo."
"Salad at kanin? Anong klaseng trade-off 'to? Ano ako, GO, GROW, and GLOW food chart?" sagot ni MJ, habang nagseserve ng sarili niyang dressing.
Natawa si Kit, sabay sabi, "MJ, maghanap ka na kasi ng partner. Mukhang salad lang ang magpapasaya sa'yo buong buhay mo!"
"Pre, hindi ako mag-iisa forever. Tignan mo 'tong salad ko, faithful 'to. Hindi ako iiwan," sabi ni MJ, sabay kuha ng malaking kagat ng lettuce, parang proud na proud pa.
"Wow, MJ. Faithful pa 'yung salad? Kalma lang, baka i-propose mo na 'yan mamaya," sabi ko, halos mamatay sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes