35

73 3 0
                                    

Mckenzie Pov


Pagkatapos ng gabing puno ng kilig at kasiyahan, tahimik akong umuwi, dala-dala ang mga alaala ng bawat ngiti, halik, at tawanan kasama si Athena at ang aming mga kaibigan. Pero ngayong umaga, bumalik na ulit ako sa realidad ng trabaho.




Nagising ako sa tunog ng aking phone. May message mula kay Thea, "Good morning, McKenzie! Miss Athena is calling for a meeting today to announce the company performance. Be ready!"




Bigla akong bumangon, hindi pa nga fully awake. Meeting agad? Mabilis kong binuksan ang bintana para makapagpahinga nang konti, pero hindi pwedeng magtagal sa chill mode. Kailangang mag-ready para sa trabaho.




Agad kong inayos ang sarili ko. Naligo, nagbihis ng formal wear, at sinigurong presentable ako bago lumabas ng bahay. Bawat kilos, mabilis—hindi pwedeng ma-late lalo na kung si Athena ang magtatawag ng meeting. Alam kong seryoso siya sa trabaho, lalo na kung tungkol sa performance ng company ang pag-uusapan.




Pagdating ko sa opisina, halos tumakbo ako papunta sa elevator, sabay check ng relo para siguraduhin na hindi ako late




Pumasok ako sa conference room at napansin kong halos lahat ay nandoon na—ang mga empleyado, mga department heads, at, syempre, si Athena.




Tahimik lang siyang nagbabasa ng ilang papeles, hindi man lang napansin na pumasok ako. Napansin ko rin agad ang presensya ni Dylan, ang Jurassic moron na lagi kong iniiwasan. Naka-upo siya sa isang sulok, mukhang seryoso, pero alam ko naman na sa loob-loob niya, nag-aabang lang ng pagkakataong makalapit kay Athena.




"Good morning, everyone. Thank you for being here," panimula ni Athena. 



"Today, we're going to discuss the company's overall performance for the quarter. Despite some challenges, especially with the missing funds that we are still investigating, I'm proud to say that we've managed to keep things steady."




Nagpalakpakan ang mga tao, pero tahimik lang akong nakikinig, tinatandaan ang bawat detalye. Alam kong seryoso ang sitwasyon, lalo na sa usapin ng nawawalang pondo, pero mahirap basahin ang emosyon ni Athena sa harap ng lahat.




"We also owe a huge thanks to M.C.F Empire for their support. Their contributions through the partnership with our product launches have been essential in maintaining our growth. Let's continue to work together and aim for even better results moving forward."

Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon