Mckenzie Pov
Nasa harapan ko lang ang resignation letter, nakatiklop na sa envelope. Hindi ko maiwasang manginig nang bahagya ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ito.
Parang tinatapos ko ang lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng binuo ko sa loob ng mahabang panahon. Pero deep down, alam kong tama ang desisyon ko.
Nawalan ako ng sarili ko sa prosesong 'to, sa pagmamahal nang sobra, hanggang sa nakalimutan ko na mahalaga rin ako.
Huminga ako ng malalim, tumayo, at tumungo sa office ni Thea. Ang mga pasilyo ngayon ay parang mas malamig, mas tahimik, parang alam ng mga pader na aalis na ako.
Pagdating ko nakita ko si Thea, Nang makita niya ako, ngumiti siya, medyo nagulat.
"McKenzie," bati niya, may ngiti sa mukha. "Anong meron?"
Tahimik kong iniabot sa kanya ang envelope. Bumagsak ang ngiti niya Tumingin siya sa akin, halatang may concern sa mga mata niya.
"Magre-resign ka?" tanong niya, halos pabulong.
Tumango ako, pilit na pinipigilan ang mga emosyon. "Oo... kailangan ko muna umalis
Tinitigan niya ako nang matagal bago siya tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Sandali kong naramdaman ang bigat ng lahat—ang kalungkutan, ang pagkawala, ang pagod.
"Naiintindihan ko," bulong niya. "Pero mami-miss ka namin, McKenzie."
Lumayo ako at ngumiti nang malungkot. "Mami-miss ko rin kayo. Pero ito ang kailangan kong gawin."
Tumango siya, may luha na sa mga mata niya. "Saan ka pupunta?"
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes