McKenzie Pov
Si mommy talaga sinadya niya talaga papuntahin si Athena sa study room ko, tinanong ko kasi si Athena pano siya napunta don, si mommy daw nag sabi na kwarto ko yon.
Iniwan namin ni Athena ang triplets sa kwarto ko, may mga maids na nagbabantay sa kanila. Habang bumababa kami, magkahawak ang mga kamay namin, si Athena naman nakasandal sa balikat ko.
Pagdating namin sa patio, nakita ko na andun na ang pamilya, nakapalibot sa fire pit na nagsisilbing pangpainit sa malamig na gabi. Umupo kami ni Athena kasama ang iba, nakikinig sa usapan at paminsan-minsan tumatawa sa mga kwento.
Habang nag-uusap ang lahat, narinig ko si Grandpa tawagin ako mula sa di kalayuan. "McKenzie, halika muna dito." Nakaupo siya sa isang secluded na area ng patio, mukhang gusto niyang makausap ako nang mas tahimik.
Ngumiti ako kay Athena bago ako tumayo. "Babe, excuse lang ako, si Grandpa tinatawag ako," sabi ko, at tumango lang siya, giving me a quick smile before I headed over to him.
"Grandpa," bati ko sa kanya habang lumapit ako. Nakangiti siya, yung tipong ngiti na parang alam na niya kung ano ang gusto niyang sabihin. "Umupo ka, apo," sabi niya, sabay abot ng baso ng whiskey mula sa maliit na mesa sa tabi niya. Kumuha siya ng isa pa at binuhusan din ako ng whiskey. "Ito, para mas relaxed ang usapan."
Tinanggap ko yung baso at umupo sa tabi niya, ramdam ko ang init mula sa fire pit sa malapit. Ininom ko ang whiskey at napangiti. "Thanks, Grandpa."
Tahimik kaming dalawa for a moment, parang both of us were just enjoying the peacefulness ng gabi. Nakatingin ako sa mga baga ng apoy, nagpe-play yung mga reflections sa baso ko. Then I turned to him. "Ano pong gusto n'yong pag-usapan?"
He smiled at me again, medyo seryoso na ngayon. "McKenzie," he started, "alam mo bang proud ako sa lahat ng nagawa mo?"
Napatigil ako for a second. "Uh, thanks po, Grandpa."
Pero alam ko na hindi pa yun ang lahat. May kasunod pa. Tumikhim siya bago nagsalita ulit. "But success isn't always about business or money, apo." Tumingin siya sa akin, and his gaze softened. "It's also about family, love, the things that matter the most in the end."
Napatitig ako sa kanya, tahimik lang na pinapakinggan yung mga salita niya. He took another sip of his whiskey before continuing. "I see how you are with Athena, and how you are with your kids. And I know you're a good kid. But remember, McKenzie, you can be a success in the world, but if you forget to nurture your heart and your family, nothing else will matter."
Medyo tumama sa akin yung sinabi niya. Yung mga words niya felt heavy, but at the same time, he wasn't scolding me, he was reminding me of something deeper.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomansaMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes