Mckenzie Pov
Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong steak. Naglakad ako papunta sa kusina at nakita si Florian na abala sa pagluluto, habang ang iba naman ay nakaupo na sa dining table, naghihintay na parang gutom na gutom.
"Mga pre, kailan kayo dumating?" bati ko sa kanila, habang palapit sa mesa.
Sabay-sabay silang sumagot, "1 bro. Diretso kami sa kama, tapos ngayon lang nagising."
Nang isine-serve ni Florian ang steak, napansin naming lahat na medyo kakaiba 'yung pagka-luto nito.
Normally, medium ang gusto niya, pero ngayon, rare na. Kaya biglang tanong ni Bailey, "Since when did you like your steak rare?"
Bago pa makasagot si Florian, biglang sumingit si Jessie, na hindi mapigilan ang bibig. "Probably after she tasted Amelia's meat."
Sabay-sabay kaming natawa habang si Florian ay namula at nag-rolling eyes, sabay sabing, "Ang bastos mo, Jessie!"
Pero hindi talaga namin napigilan, lalo na't alam namin kung gaano ka-wild si Florian kapag kasama si Amelia.
"parang bigla kang naging fan ng rare steak after that night with Amelia."
biglang sumingit si Kit, na may pilyong ngiti sa mukha. "So, Florian... sarap ba ang rare?" tanong niya, kunwari inosente.
Nag-roll ng eyes si Florian, pero hindi nagpapigil. "Sarap nga, Kit! At least hindi boring!" sabay lapag ng steak knife niya na parang champ.
Florian, na medyo namumula pa rin, umismid. "Admit it, you're all just jealous."
Napailing na lang ako habang lahat kami ay hindi mapigilan ang kakatawa. Talagang walang humpay ang asaran sa mesa na 'to!
Pagkatapos ng dinner, sabay-sabay kaming nagtipon sa sala, at gaya ng dati, kinuha ni Kit ang gitara. Pero this time, alam namin na magiging espesyal 'to. Lahat kami magaling kumanta, kaya bawat isa may kanya-kanyang linya para kantahin. Si Bailey, nilagay ang phone sa harap namin para i-record ang buong performance.
BINABASA MO ANG
Forbes series 1: Forever To Be Your Moon
RomanceMeeting you was fate Admiring you was a choice Falling in love with you was beyond my control but letting you go was the best for both us -Mckenzie Collins Forbes