23.

119 3 0
                                    

Mckenzie Pov.

SPG AHEAD READ AT YOUR OWN RISK



Pagpasok namin sa movie room ni Athena, The room was cozy, dimly lit, with plush couches na parang tinatawag kami lahat na maupo na comfortably. Nang makahanap na lahat ng spot nila, obvious na nag-pair off na kaming lahat.





Si Florian, as expected, katabi si Amelia, naka-lean in pa na may binubulong na nagpatawa kay Amelia ng mahina.





Si Sapphire at Bailey naman magkatabi, nagsheshare ng popcorn.





habang si Kit at Emily ay naka-sprawl sa sahig, balot ng kumot at nagtatawanan sa mga inside joke nila na tanging sila lang nakakaintindi.








Ako naman, syempre, katabi si Athena sa malaking couch. May soft smile siya habang nakasandal sa balikat ko, ang ulo niya nakapatong comfortably doon. Yung warmth niya, yung tunog ng tahimik niyang paghinga, at yung kamay niyang parang may sariling buhay na nagdo-drawing ng kung anu-anong patterns sa braso ko—it was all I needed to feel completely content.








Habang nanonood kami, napansin ko si Florian na unti-unting dumidikit kay Amelia. Hindi ko pa nga namamalayan, pero napapansin ko na slightly kissing na siya sa gilid ng labi ni Amelia. Napatawa na lang ako sa sarili ko, "Aba, advanced to si Florian ha!"





Tumingin ako kay Bailey, at nakita ko na nakayakap na siya kay Sapphire. Pero hindi lang yakap—may maliliit pang halik sa leeg si Bailey na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Si Sapphire naman, napangiti lang at mukhang enjoy din sa ginagawa ni Bailey.








Si Jessie at Alana? Naku, para silang pusa at kuting na nagsnuggle sa gilid ng sofa. Parang wala nang ibang tao sa mundo nila, nakayakap pa si Jessie kay Alana na para bang hindi na tatanggalin ang hawak.








Kit at Emily naman, halos hindi na gumalaw. Nakaspoon na sila sa sahig, para bang super cozy sa ilalim ng kumot. Kit's arm was wrapped tightly around Emily's waist, and they seemed perfectly content.








Napansin ko rin na parang hindi mapakali si Athena sa pwesto niya. Gumagalaw-galaw siya nang bahagya hanggang sa bigla na lang siyang dumiretso sa lap ko at ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko. Nagulat ako pero napangiti na lang din.








Niyakap ko siya nang mahigpit, at naramdaman ko ang init ng katawan niya habang nakahiga siya sa akin. Tahimik kaming dalawa, pero ramdam ko ang tibok ng puso niya, halos sabay sa akin.








"Baby?" marahang tawag ni Athena, at agad akong tumingin sa kanya. "Hmm?" tanong ko, nagtataka sa tono ng boses niya.








Hindi siya nagsalita. Imbes, bigla niyang hinila ang batok ko at mabilis na hinalikan ako. Napatigil ako saglit sa gulat, pero agad ko rin itong sinagot, ramdam ko ang init ng labi niya laban sa akin. Ang lambot ng paghalik niya, para bang may kasamang mga salitang hindi na niya kailangan pang sabihin.








Niyakap ko siya ng mahigpit, hinayaan ang sandaling iyon na tila walang ibang tao sa paligid. Everything felt right—parang wala nang dapat isipin pa kundi ang halik na iyon at ang init ng damdamin namin para sa isa't isa.








Binasag ko ang halikan namin at pareho kaming tumitig sa isa't isa, parehong may ngiti sa mga labi. Ramdam ko ang saya at kilig sa pagitan namin, habang magkahawak pa rin kami ng mahigpit.








Forbes series 1: Forever To Be Your MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon