Prologue

565 10 1
                                    

"Who sent you to kill me?" Walang emosyon na tanong ng isang lalaki na nakaupo habang kaharap niya ang isang taong nakaluhod na naliligo sa sariling dugo dahil sa pagbugbog sa kanya ng kanyang mga tauhan.

"M-Maawa ka s-sa akin! Pakawalan mo na a-ako hindi ko t-talaga alam." Utal-utal na sabi ng lalaking gustong patayin siya habang nagmamakaawa ito.

"Damn it!" Napahilot na lang sa sintido ang misteryosong lalaki dahil sa pagka-inis nito sa kaharap. Konti lang ang pasensiya niya kaya napupuno na siya.

Pangatlong beses na niya itong tinanong, pero wala siyang makuhang matinong sagot, puro paawa na lang. Ubos na ubos na talaga ang pasensiya niya sa lalaking kaharap niya.

"Last question! Who is the mastermind behind this shịt? Answer correctly or I'll shoot your head!" Galit na sabi ng misteryosong lalaki at itinutok na 'yung baril sa ulo ng lalaking nasa harapan niya.

Halos manlaki naman 'yong mata no'ng lalaki. "Hindi k-ko talaga ala—"

Hindi na pinatapos sa pagsasalita no'ng misteryosong lalaki ang kaharap niya at agad na niya itong binaril sa ulo.

"Wrong answer! Rule number 1: Answer directly, if not, you'll be dead." Sabi no'ng misteryosong lalaki sa nakahandusay na lalaki sa sahig.

Agad itong tumayo sa pagkakaupo at lumabas sa kanyang hideout, pero bago siya lumabas, may sinabi muna siya sa kanyang mga tauhan.

"Linisin niyo ang walang kwentang kalat!" He then completely emerged from the hideout and went to the parking lot. After that, he drove off in his Lamborghini and sped away from the place.

He is Draven Carver Hendrix, the heir of the Hendrix Company and the Hendrix Empire, which is led by his father, Ralph Hendrix.

The Hendrix Empire is a mafia organization led by Ralph, Draven's father. Draven also establishes an organization independent from his father. This organization is secretly led by Draven as well.

Wala nang ina si Draven dahil pinatay ito ng kalabang mafia ng kanyang tatay. Hanggang ngayon hindi nila alam kung sino ang pumatay sa ina ni Draven dahil napakamisteryoso nito at nagtatago rin ang pumatay. Dahilan para mahirapan siyang hanapin. Kaya para mapadali ang paghahanap niya, nagtayo siya ng ilegal na Organisasyon.

At sa kabilang banda. Maraming gustong pumatay kay Draven, isa na do'n 'yung pinatay niya sa hideout niya. Hindi naman talaga 'yon agad mamamatay kung hindi siya lumabag sa batas ni Draven.

Rule number 1: Answer correctly; if not, you will be dead.

Rule number 2: Don't ask too much.

Rule number 3: Don't touch or come near him (except for his friends and father)

Rule number 4: Do not ask for his name.

Rule number 5: Don't talk back.

Rule number 6: Don't beg.

Nakakatuwa mang isipin na may ganyang batas si Draven sa sarili niya, pero matutuwa ka pa ba kapag oras na may nilabag ka diyan, buhay mo ang kapalit?

Pumunta si Draven sa isang bar para magpalamig ng ulo at para makapag-isip na rin sa nangyari sa buhay niya nitong mga nagdaang araw.

Pagdating sa bar, agad niyang naamoy ang usok ng sigarilyo at iba't-ibang amoy ng alak. Sa isang tabi, may mga gumagawa na ng milagro, pero pinabayaan na lamang niya ang mga ito.

It's natural, by the way. That's a freaking bar. Ganyan talaga 'yung mga tao sa loob, mga wild.

Agad siyang nagtungo sa VIP room ng bar. Kilala naman siya ng bouncer dahil sa kanila ang bar na pinasok niya.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon