Nagmamaneho ako ngayon pauwi sa apartment ko. Malapit lang ito sa Hendrix Academy at si bossing ang nag-rent no'n, pero ako 'yung pumili ng unit ko.
Pagdating ko sa apartment ko, agad kong ipinark 'yung motor bike ko sa harap ng apartment at dumeretso na sa pinto.
Nagtaka ako dahil nang buksan ko ang pinto ng apartment ko, hindi naka-lock. Sigurado ako na nilock ko 'yung pinto pagkaalis ko kaninang umaga, kaya bakit ngayon bukas na ito? Bwísit may akyat bahay yata.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng apartment. Una kong pinuntahan ang dining room para tingnan kung may tao ba, pero wala akong nadatnan. Maski anino ng tao wala. Pumunta din ako sa kusina pero wala ding tao.
Umakyat ako sa pangalawang palapag ng apartment ko. Hindi naman kasi maliit 'yung apartment ko. Sakto lang 'yung laki at may second floor na kung saan naroon 'yung kwarto at library ko.
Pumunta ako sa kwarto ko, pero walang tao doon. Ang huli kong pinuntahan ay ang library. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng library. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang isang shuriken na papalapit sa akin kaya dali-dali akong nagtago sa gilid ng pinto para hindi ako matamaan ng shuriken.
"Shít! Sino ka!?" Tanong ko pero walang sumagot.
Sinilip ko 'yung loob ng library pero wala akong makitang tao.
Papasok pa lang sana ako sa loob para i-check kung sino mang lapastangan na pumasok sa apartment ko, pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong may papalapit na kamao sa may sikmura ko.
Agad kong hinawakan 'yung kamay niya at sinipa siya sa tiyan na siyang ikinatilapon niya ng kaunti. Sumigaw siya sa sakit. Tiningnan ko ang mukha niya, pero may mask pala itong suot.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot. Tumayo lang ito at sinugod ulit ako.
Bawat atake niya ay iniiwasan ko lang. Marami siyang shuriken na hinagis sa akin at walang hirap ko lang itong inilagan lahat. Inatake niya rin ako ng sipa at suntok. Bigla niya akong natamaan sa mukha kaya hindi ko na napigilan na sikmuraan siya at tadyakan.
Napahiga siya sa sahig dahil sa ginawa ko, tinapakan ko ang tiyan niya at tinanggal ko ang mask niya sa mukha.
Literal na lumaki ang mata ko nang makita ko ang nakangising mukha niya.
"Ganyan ka ba bumati sa kaibigan mo?" Nakangising tanong niya.
"Aaron?" Wala sa sariling sabi ko sa pangalan niya.
"Aaron Villareal, the one and only." Mas lalong lumaki 'yung ngisi sa labi niya.
"Hindi mo lang ba ako tutulungan na tumayo? Grabe, ang lakas pa rin ng galaw at kamao mo, walang kupas."
Hindi pa rin pala nagbabago ang gágong 'to. Idiniin ko 'yung sapatos ko sa tiyan niya at sinamaan siya ng tingin.
"Aray! Aray! Ang sakit niyan, Gin!" Hinahawakan niya ang sapatos ko na nasa tiyan habang namimilipit sa sakit.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tinanggal na 'yung paa ko sa tiyan niya at umupo ako sa upuan dito sa library ko.
Tumayo siya at pinagpagan 'yung damit niya pagkatapos tiningnan ako ng nakangiti.
"Kamusta ka na? Namiss kita, Gin."
Binuka niya ang dalawa niyang braso para yakapin sana ako, pero napatigil siya sa pagtangkang pagyakap sa akin dahil tinapon ko sa mukha niya 'yung mask niyang tinanggal ko kanina sa mukha niya. Sumimangot siya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...