Chapter 15

180 9 1
                                    

Tyler Romero Santillian POV


Papunta ako ngayon sa rooftop, ang tambayan namin dito sa Academy. Sobrang maaga akong pumasok dahil binulabog ako ni Draven sa pagtulog kanina. Nasa kalagitnaan pa ako ng panaginip ko kanina, at ikakasal na sana ako sa panaginip, ngunit hindi natuloy dahil tumawag si Draven.

Sinabi niya pa nga na kailangan nandoon na ako sa rooftop ng 6 am. Tapos no'ng tiningnan ko kung anong oras siya tumawag mga 5:45 na 'yon. Tsk, hindi sapat 'yung 15 minutes para sa akin. Sa pagligo ko pa lang, 20 minutes na, sa pagbibihis 10 minutes, sa pag-aayos ng buhok 10 minutes din, sa pagbalik-balik sa salamin 15 minutes. Halos isang oras at kalahati ang ginugugol ko sa pag-aayos sa sarili ko.

Sa pagda-drive naman 5 minutes lang makakarating na agad ako. Alam niyo kasi, kaming apat para rin kaming si Draven. Mabilis kaming magpatakbo sa daan, 'yung isang oras na byahe nagagawa naming 10 minutes lang. Gano'n kami kabilis magpatakbo ng kotse.

Nang nasa tapat na ako ng pinto, ay ngiting-ngiti pa ako habang binubuksan ko nang dahan-dahan 'yong pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang galit na galit na sigaw ni Pareng Draven.

"You're late!" Sigaw niya at bigla itong nagpaputok ng baril niya.

"Ay! Púta!" Sinarado ko pabalik ang pinto, tángina! Sabi ko na nga ba ito 'yung bubungad sa akin pagdating ko eh.

Narinig ko pa 'yung tawa ng dalawang hinayupak sa loob. Sarap nilang batukan. Kahit kailan talaga pinagtutulungan nila akong asarin ng mga siraulo. Kapag siguro namatay ako, imbes na umiyak, pagtatawanan lang nila ako, panigurado.

"Teka lang naman, Pareng Draven. Magpapaliwanag ako. Wala namang ganyanan! Huwag kang magpapaputok dahil papasok ako!" Sigaw ko sa labas ng pinto. Wala akong narinig na salita galing sa kanya sa loob kaya dahan-dahan ko ulit binuksan 'yung pinto.

Pagkabukas ko, nagulat ako sa bumungad sa akin. Hindi lang sigaw ni Pareng Draven ang bumungad sa akin kundi si Pareng Draven na talaga at nakatutok sa akin ang baril niya sa noo ko, hindi ako nakagalaw ng dahil doon.

"Alam mo na ayaw ko sa taong laging late, Tyler." Malamig na sabi niya habang matalim ang titig sa akin.

Lumunok muna ako ng dahan-dahan, at kahit halos parang nabato ako sa kinatatayuan ko, nagawa ko pa ring tumango sa kanya. Totoo 'yung sinabi niya na ayaw niya 'yung laging late sa pagdating. Kapag sinabi niya na gano'n dapat ang oras ng dating, dapat nandoon ka na bago pa lumagpas, dahil kapag nagkataon, malamang sa malamang hindi lang ganito ang aabutin mo.

Lumunok muna ako bago nag salita.

"H-Hindi na ulit ako malalate sa susunod, promise. Aagahan ko na talaga ang pagdating ko sa susunod, Pareng Draven. Kaya pakiusap, ibaba mo na 'yang baril mo." Nagmamakaawa na sabi ko sa kanya at ipinagtiklop ko pa 'yung dalawang kamay para tumalab ang pagmamakaawa ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang ibinaba niya ang baril.

"Siguraduhin mo lang." Banta niya. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kapag ganito ang sitwasyon, kawawa talaga ako, shúta na 'yan.

Umupo na ako dahil umalis na si pareng Draven sa harap ko. Pumagitna ako sa dalawang taong tarántado na kaunti na lang ay uutot dahil sa kakapigil sa pagtawa nang malakas.

"Ang saya niyong dalawa ah, mga siraulo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa pero tinawanan lang nila ako.

"Ayan kasi, napakatagal mag-ayos ng sarili akala mo babae. Umabot pa ng ilang oras bago matapos." Sabi ni Dark kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Deserve mo 'yan para magtanda ka. Akala ko kanina katapusan mo na, sayang at hindi natuloy. Kung natuloy 'yon, paniguradong may pinaglalamayan na kami ngayon. 'Di ba, Pareng Dark?"

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon