Palakad-lakad ako ngayon sa sala ng apartment ko. Pabalik-balik na nga ako at sumasakit na rin ang paa ko. Halos ayaw ko na kasing lumabas sa apartment ko dahil sa suot ko ngayon.
Sinuot ko na kasi ngayon 'yung uniform ng Hendrix Academy at halos lumuwa na iyong mata ko dahil sa itsura ko kasi... ang cute at ang gwapo ko na ngayon, hehe.
Tama nga si Luna, bagay nga sa akin 'yung uniform ng Hendrix Academy, napag-usapan kasi namin noong isang na mag-iisang buwan na ako doon sa Academy, pero hindi pa ako nagsusuot ng uniform. Isang formal lang na uniform ang suot ko ngayon. Mag-iisang buwan na rin pala akong nag-aaral doon, pero wala pa rin akong nakukuhang mahalagang impormasyon kay Draven.
Pagkatapos ng halos ilang oras ko sa loob ng apartment, napagpasyahan ko na rin na lumabas.
Binalikan ko 'yung motor ko sa mall kagabi kaya may magagamit ako ngayon. Pagdating ko sa Hendrix Academy, ipinasok ko na ang motor ko sa gate at as usual, marami na namang estudyanteng naka-tingin sa akin habang ipinaparada ko 'yung motor ko.
Habang nasa hallway ako, narinig ko 'yung impit na tili ng mga babae. Alam niyo kung bakit? Dumaan lang naman ang limang magkakaibigan sa hallway. Para bang nag-fashion show ang lima sa entablado.
Pinagigitnaan nila si Draven habang naglalakad sila papalapit sa kinaroroonan ko at balik na naman iyong mukha ni Draven na parating naka-poker face. Malayo sa mukha niya noong Sabado na tumatawa na labas 'yung malalim niyang dimple sa kanang pisngi niya.
Kailan ko kaya ulit makikita 'yung dimple niya sa pisngi?
Pagkatapos kasi akong ihatid ng mokóng sa apartment ko, hinagis niya lang basta-basta ang mga pinamili ko sa kalsada. Panay tuloy ang pulot ko sa mga pinamili ko. Gusto ko pa nga sana siyang sigawan dahil sa kawalang hiyaan niya, kaso pinaharurot na niya ang kotse niya nang mabilis nang walang sabi-sabi. 'Di ba, ang gentleman niya, tsk!
Nagkunwari akong hindi ko sila nakikita dahil naiinis pa rin ako sa Draven na 'yan, pero itong si Tyler sarap din sapakin ng isang 'to eh.
"Wow! Naka-uniform na si Ginger! Pogi natin ngayon ah." Sabi ni Tyler nang medyo nakalapit na sila sa akin, tinanguan ko lang si Tyler saka lalagpasan ko na sana sila nang magsalita rin si Casper.
"Bakit may malaking salamin ka pa rin? Tanggalin mo na kaya 'yan, pero kahit 'wag na siguro at cute ka pa rin naman tingnan." Tumango naman sina Dark at Tyler bilang pagsang-ayon.
"Ano kasi, nagmo-motor ako kaya nagsalamin ako at saka may grado din kasi 'to." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Gano'n ba, sige una na kami, may pupuntahan pa kasi kaming importante." Sabi ni Dark at tumango lang ako.
"Pakisabi pala kay Ma'am Pintura na hindi kami makakapasok sa klase niya kas—"
"Itikom mo 'yang bibig mo, Tyler, bago ko pa 'yan paduguin." Putol ni Draven sa dapat na sasabihin ni Tyler at na una nang maglakad. Hindi man lang ako sinulyapan ng tingin.
Sumunod naman si Ivan sa kanya saka sina Dark at Casper, pero bago sila sumunod, nginitian muna nila ako. Pagkatapos, sumunod na ng tuluyan kay Draven at naiwan naman si Tyler sa harap ko.
"Teka lang mga pre!" Sigaw ni Tyler kaso hindi siya pinakinggan nina Draven at Ivan. Sina Dark at Casper tinaasan lang siya ng middle finger, kaya nalukot ang kanyang mukha dahil sa ginawa nila.
"Mga gágo!" Bulong niya sabay tinignan ako at nginitian.
"Basta, Ginger, hindi kami makakapasok ngayon sa subject ni Ma'am Pintura. Pakisabi na lang sa kanya, salamat, Ginger. Sige, aalis na ako at sasapakin ko pa 'yong dalawang mga unggoy."
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...