Chapter 26

165 7 3
                                    

Hindi na lang ako umimik sa isang tabi at nag-isip na lang kung ano ang dapat kong gagawin. Basta buo na 'yung desisyon ko, tutulong ako. Na-miss ko kasi makipaglaban.

Natigilan ako nang bigla nilang pinagbabaril 'yung kotse ni Draven. Kung hinayaan niya kasing tulungan ko siya edi sana kanina pa patay 'yang mga stalker niya.

"Shít!" Mura ng lalaking katabi ko dahil sa biglaang pagputok nila.

"Alam mo ba kung paano mag-drive?" Tanong niya.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Can you drive this and let's exchange places." Aniya.

"Aysus, kaya mo na 'yan. Sabi mo kanina ayaw mo ng tulong, edi bahala ka diyan." Sabi ko habang nakahalukipkip at walang gana siyang tiningnan.

"Ano?! The fúck, dimwit!" Hindi ko pinansin ang pagmumura niya at inirapan siya.

Manigas siya diyan.

"Damn! We're in danger and you still have the strength to act like that!"

"Sumusunod lang ako sa utos mo na hindi ako pwedeng tumulong sa'yo. Masunurin akong tao eh... Kaya kahit anong gawin mo, hindi ako iimik dito pwera na lang kung sasabihin mon—"

"Fine! I will allow you to help me, but promise me, 'wag kang gumawa ng katangahan. Be serious!" Napangiti naman ako. Dali-dali akong tumango dahil sa saya.

"Kailan ba ako hindi naging seryoso, huh?! Seryoso ka—"

"All the time." Sagot niya at napa-irap na lang sa akin. Napanguso naman ako.

'Wag niyang hilingin na makita ang seryosong ako, baka magsisi ito sa huli.

"Stop pouting and hold onto the steering wheel now, faster!"

Nakipagpalitan na ako ng pwesto sa kanya. Ako ang nagda-drive samantalang siya, may kinuha sa backseat.

May mga kahon doon na medyo malaki sa ilalim ng upuan sa backseat. Binuksan niya 'yon at napa 'wow' na lang ako nang makita ko kung anong laman no'ng kahon.

Mga baril lang naman at granada.

Kumuha ng AK-47 gun si Draven at binuksan niya ang bintana sa gilid niya at sinimulan na niyang pinaputukan ang mga sumusunod sa amin.

Ako naman ay patuloy lang sa pagda-drive. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Since wala namang mga tao at sasakyan sa paligid kaya walang problema kung umabot sa maximum ang pagpapatakbo ko.

Ipinasok niya ulit ang katawan niya at may kinuha ulit siya sa likuran. Nakita ko namang isang bazooka ang kinuha niya.

"Hoy! Huwag mo muna silang gamitan niyan. Hindi pa nga ako nakakabaril maski isa!" Pigil ko habang nasa daan pa ang tingin ko.

"Damn! Wala na akong oras para patagalin pa ito. Just keep on driving!"

"Mamaya muna kasi gamitin 'yan. Ako muna, isa lang naman ang papatayin ko." Ngumisi ako ng mala-demonyo.

Matagal siyang hindi umimik kaya binalingan ko siya ng tingin. Naabutan ko ang seryoso niyang mata na nakatitig sa akin.

Napalunok naman ako ng dahan-dahan. May nasabi ba akong mali?

"Who are you?"

Shít! Nakahalata na yata siya sa paraan ng pananalita ko kanina.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? I'm Gi—"

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon