Kinabukasan, pumasok pa rin ako sa Hendrix Academy sa kabila ng pag-amin ko kagabi kay Draven na isa akong sa mga stalker niya. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya kagabi. Pagkatapos kong sabihin na isa akong sa stalker niya, diretso agad akong lumabas ng kotse niya nang walang lingon-lingon papunta sa loob ng apartment ko.
Nang ma-i-park ko na ang motorbike ko, wala pa ang kotse ni Draven. Nagkibit-balikat na lang ako dahil siya naman may-ari ngayon ng Academy kaya nasa kanya na lang kung anong oras siya papasok. Hinatid din pala ni Aaron ang motorbike ko kahapon, automatic na 'yon sa kanya kapag naiiwan ko motorbike ko, ihahatid niya iyon kaagad sa apartment ko.
Kinabahan naman ako bigla kapag nagkita kami ngayon ni Draven dahil doon sa sinabi ko kagabi. Hindi ko pa kayang harapin siya dahil hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin kapag nakita niya ako. Hindi ko man siya nakikita ngayon, galit na galit 'yon panigurado.
"Ginger!"
Tumigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Alice, Ikaw lang pala. Good morning." Nakangiting sabi ko. Nilapitan niya ako at nginitian din niya ako pabalik.
"Good morning din. Papasok ka na ba? Sabay na lang tayo."
"Oo."
"Tara na."
Tumango ako at sabay kaming pumunta sa Math building. Pagdating namin, agad kaming pumasok sa classroom. Wala pa si Ma'am Ventura pagdating namin kaya may free time pa ako para magrelax.
Wala pa sina Luna at sina Casper kaya ako lang ang nag-iisang nakaupo sa likuran. Hindi kalaunan dumating na si Ma'am Ventura pero hindi pa din dumating sina Luna. Nagsimula nang mag-attendance si Ma'am Ventura kaya nag-focus na lang ako sa pakikinig sa kanya.
"Draven Carver Hendrix."
"Wala pa po, ma'am."
"Pati rin ba ang ibang kaibigan niya?"
"Yes po, ma'am."
Tumango tango nalamang si Ma'am Ventura at nagpatuloy na sa pag-aattendance.
"Ginger Lingyun Rodriguez."
"Present, ma'am." Nagtaas ako ng kamay para makita niya na nandito ako sa klase niya. Tumango-tango naman siya at nagpatuloy na ulit.
"Luna Elizabeth Santillian."
"Present!"
Lahat ng kaklase ko napatingin sa pinto, pati na rin ako, nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Luna na nakangiti habang papasok sa loob ng classroom.
"You are almost late, Ms. Santillian."
"I'm sorry, Ma'am. I woke up late, that's why I'm almost late, but I try my best not to be late. See." Nakangiting sabi ni Luna.
"Okay, fine. But next time wake up early, okay? You may now sit."
"Yes, ma'am."
Umupo na si Luna sa tabi ko at binati niya ako kaya binati ko din siya pabalik. Nagsimula nang mag-lecture si Ma'am Ventura. Habang nasa kalagitnaan kami ng klase, biglang na namang bumukas ang pinto.
Sa kaloob-looban ko, nagdarasal ako na sana wala si Draven, na sana hindi siya papasok ngayong araw, na sana hindi kami magkikita dahil hindi pa talaga ako handang makita siya.
Hunter entered first, followed by Dark, then Tyler, and lastly Casper. I breathed a sigh of relief because Draven was not there.
"Nasaan si Draven?" Hindi ko namalayan na natanong ko na pala iyon kina Tyler.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...