Chapter 2

206 8 0
                                    

Pagkatapos ng sampung taon sa wakas na hanap ko rin 'yung room A-143. Paniguradong late na ako nito at anong oras ko ba naman nahanap itong pesteng room na 'to.

Kumatok muna ako ng isang beses sa pinto, pero walang nagbukas. Kumatok ulit ako, pero wala pa ring nagbukas, kinatok ko ulit pero wala pa rin.

Napapikit ako sa inis.

Kapag ito hindi bubukas, gigibain ko talaga 'to. Kumatok ulit ako pagkatapos nagbilang ako hanggang lima.

Tángina! Kapag ito hindi bubukas patay sa akin 'to. Naiinis na nga ako doon kanina sa tatlong lalaki doon sa hallway tapos dumagdag pa ang pinto na 'to.

"Bwísit wala talagang gustong pagbuksan ako?" Bulong ko sa aking sarili.

Luminga-linga muna ako sa paligid. Baka may makakita sa gagawin ko, buti na lang walang tao.

Lumayo ako ng kaunti sa pinto at nag-stretch ng kamay, pina-tunog ko 'yung mga daliri ko pagkatapos naghanda na para sa gagawin kong paggiba sa pinto.

"One... two... three... hiyaa—ehhh?!"

Nabitin sa ere 'yong paa ko nang may humarang sa pinto na dapat sana ay sisipain ko.

"And what do you think you are doing?" Malamig na sabi niya sa akin habang nakasandal sa pinto at nakahalukipkip.

Saan galing ang isang' to? Wala namang tao dito kanina, ah?

Dahan-dahan kong binaba 'yong kaliwang paa ko na nakabitin sa ere at tumayo nang maayos saka tumingin sa kanya nang deretso. Mula ulo hanggang paa. Teka mali. Mula paa hanggang mukha.

And my jaw dropped after seeing his face. He's almost perfect, but has a dark complexion.

Holy shít! He's so damn hot and handsome, yet he's scary as hell. What the fudge, what am I thinking? Umaandar na naman ang kabaklaan ni self.

Basta mapula ang labi niya, sobrang tangos ng ilong at malamig na matang nakatitig sa akin, igting ang kanyang panga na nagpakurap sa akin. Bakit masyado yatang gwapo ang nilalang na ito.

Tumikhim ako at hindi ko ipinahalata na natulala ako sa kagwapuhan niya at nagpanggap na parang walang nangyari.

"Ano kasi... ano, susubukan ko lang sana kung matigas ba 'yung pinto. Oo, tama! Susubukan ko lang kung matibay ba. Made of hardwood ba... alam mo na, baka local. Made in China. Alam mo 'yon, marami na kasing fake sa panahon ngayon."

Shít, am I acting like an idiotic boy now? That's a lame answer, Ginger. I hope your excuse works with him.

"HAHAHAHA tangna, pre! Local daw!"

Napalingon ako sa gilid para tingnan kung sino 'yong sumigaw. May apat na lalaking nakatayo do'n sa hindi kalayuan.

Well, hindi sila katulad no'ng kaninang tatlong lalaki dahil maganda ang pakiramdam ko sa kanila, I don't know why. Basta ayon lang naramdaman ko sa kanila.

Parang 'yong chinito ang nagsasalita kasi ang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. At 'yong dalawa niyang kasama naman ay nagpipigil ng tawa. Samantalang 'yung isa seryoso lang ang mukha.

"Do you think I believe your fúcking reasons?"

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakasandal sa pinto nang sumigaw siya. Kumunot ang noo ko.

Ang lapit lang namin pero ang lakas sumigaw. Puwede naman siyang magsalita nang hindi sumisigaw. Napakamot naman ako sa ulo ko at ngumuso.

"Sinabi ko bang maniwala ka? Hindi naman ah."

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon