Excited na ako ng sobra. Ang laki na nga ng ngiti ko habang nakatingin sa harap. May babaeng nakatayo sa harap na naka-racing suit. Naka-mini skirt siya na kulay yellow, tapos naka-tube siya na kulay yellow rin. At may dala siyang flag na kulay yellow.
Lakas maka-yellow ng babaeng 'to, para namang tae 'yung kulay. Pati siguro panty niya yellow.
Tumawa ako nang mahina.
"Will you stop giggling?" Dinig kong sabi ng katabi ko kaya nagtataka akong humarap sa kanya.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Tánga." Sabay irap nito sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko.
Tumatawa na naman ba ako ng mag-isa? Bwísit! Malala na yata ako.
Iwinagayway na no'ng babae 'yung yellow flag kaya nagsimula ng magtakbuhan 'yung mga kotse.
Draven also drove his car fast. I tightened my grip on my seatbelt.
Nasa unahan 'yung sasakyan ni Enzo, tapos kami nasa hulihan. Kinabahan tuloy ako baka matalo kami.
"Hoy! Unahan mo si Enzo. Gusto mo bang matalo?" Natataranta kong sabi.
Hindi naman siya sumagot. Seryoso lang ang mukha niya habang nagda-drive.
"Ayon, nag-improved ka, hindi ka na nagpapahuli." Sambit ko nang malagpasan niya 'yung dalawang kotse.
"Pumunta ka sa gilid no'ng Enzo, bilis!" Sabi ko ulit, pero hindi naman siya nakinig sa akin dahil nanatili pa rin kami sa pwesto namin.
"Hala! Baka matatalo tayo nito, tingnan mo may dalawang laps na si Enzo." Tinuro ko 'yung kotse ni Enzo na ang bilis tumakbo.
Hindi tumingin si Draven sa tinuro ko dahil seryoso lang talaga siya habang nakatingin sa daan.
Ano ba ang problema niya? Bakit wala man lang siyang pakialam na mahuli kami?
Napasimangot tuloy ako. Wala talaga siyang pake kung matalo kami. Naka-one lap pa lang kami tapos 'yung ibang kalaban nakadalawang laps na.
"Hoy! Tángina mo naman, Draven!" Sigaw ko bigla nang mas binilisan niya ang pagpatakbo ng kotse at sa isang iglap lang nasa tabi na kami ni Enzo.
Napanganga na lang ako dahil sa nangyari. Para talaga akong lumutang sa ere. Hindi ako makapaniwala, ang bilis ni Draven. Shuta!
Binuksan ni Enzo 'yung bintana niya, pati rin si Draven. Binuksan din niya 'yung bintana at nagtitigan silang dalawa na para bang may pinapahiwatig sila sa mga tingin nila.
Ako naman nakipagtitigan rin kay Eunice, tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi sa akin. Inikutan ko siya ng mata at nag-fúck you sign.
Nanlaki naman ang mata no'ng bruha. Akala mo ah.
Bago pa siya makapag-react, mas pinabilisan ni Enzo ang kotse niya kaya nauna siya. Ito namang si Draven, binilisan din niya ang takbo ng kotse niya, kaya ang resulta, naunahan namin si Enzo.
"Woah! Akala ko magpapahuli ka na lang. Astig nito!" Natatawang saad ko.
Grabe, nagulat talaga ako sa kanya kanina nang nilampasan niya ang kanyang mga kalaban sa isang iglap lang nang walang kahirap-hirap.
"Tsk!"
Wala ba itong alam sabihin kundi 'tsk', ang sungit talaga.
Last lap na lang para tapos na ang laban. At 'yung iba pang kalaban malabo ng makahabol dahil ang layo pa nila. Hindi katulad sa dalawang ito, nag-uunahan para makarating sa finish line.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...