Narito na ako ngayon sa Hotel kung saan magkikita kami ni Mr. Cheng sa isang kwarto. Si Aaron naman ay nasa labas ng Hotel. Naiwan sa kotse, tatawagan ko lang siya gamit ang earpiece na nakasabit sa tenga ko kung hihingi ako ng tulong sa kanya.
Ako lang mag-isa sa loob ng elevator kaya hinanda ko ang baril na nakaipit sa hita ko.
Nang masiguro kong ayos na ang baril ko sa hita, agad kong tinignan ang aking repleksyon sa elevator, parang hindi ako. Ibang-iba ang itsura ko ngayon. Babaeng-babae ang atake ko ngayon at hindi mo talaga mapaghahalataan na lalaki.
Naka-red dress ako na 2 inches above the knee ang haba. At sobrang hapit na hapit ito sa katawan ko. Naka-red stilettos heels na 6inches, tapos naka-wig ako na kulay black na hanggang bewang ko. My lips were so red. Kasing pula ng dress ko.
Para tuloy akong kontrabidang babae sa mga palabas. Kontrabidang maganda.
Tsk. Para akong timang, pinupuri ang sarili, pero totoo naman talaga na sobrang ganda ko ngayon. Pero bwísit, namomroblema ako sa pésteng heels ko. Hindi ako marunong gumamit—I mean hindi ako masyadong marunong sa ganitong inches, pero kinaya ko pa rin.
Lumabas ako ng elevator pagbukas nito at dumeretso na sa kwarto na sinasabi sa akin ni boss, ang meeting place namin ni Mr. Cheng.
Pagdating ko sa pinto ng kwarto kung saan kami mag-me-meeting ni Mr. Cheng, agad kong binuksan ito at kaagad kong nakita ang isang Intsik na may katandaang lalaki.
Nakaupo siya sa upuan tapos may malaking lamesa sa harap niya, at sa likuran niya may tatlong lalaking naka-itim na nagbabantay sa kanya.
"If I'm not mistaken, you're Mr. Cheng, right?" Tanong ko dito. Hindi nila mahahalata na lalaki ako dahil kaya kong gawing pangbabae ang boses ko.
Tumango siya at tinignan ako ng malagkit.
"Yes, that's me, and if I'm not mistaken too, you're Emerald, am I right?" He said, and I nodded my head in response.
Emerald ang gamit kong pangalan ngayon, hindi ko na masyadong pinag-isipan pa kung anong pangalan na gagamitin ko dahil saglitan ko lang naman gagawin ang misyon kong 'to.
"Ow! You're so beautiful, come sit beside me." Tinapik niya 'yung katabing upuan niya.
Tángnang 'yan. Pwede naman siguro umatras? Bwísit, ang manyak pala nito, paano kapag hinawakan niya 'yung dede ko. Fake pa naman 'to. 'Wag naman sana, ayokong mabuking.
"Kaya mo 'yan, Gin, maligo ka na lang pag-uwi mo hahaha." Narinig kong sabi sa akin ni Aaron sa kabilang linya ng earpiece.
Napakuyom na lang ako sa kamao ko dahil sa inis kay Aaron.
Nang asar pa ang, gágo! Paniguradong tawa 'yon ng tawa kanina pa. Tsk!
Kahit asar na asar na ako, hindi na lang ako nagpadala sa pang-aasar ni Aaron sa akin at lumapit na lang kay Mr. Cheng na ngayon ay malaki ang ngiti sa labi.
Sige lang, ngumiti ka lang diyan at huling ngiti mo na 'yan ngayon, tanda.
Pagkaupo ko sa tabi niya, agad niya akong inakbayan at pinisil pa ang balikat ko. Dahilan para tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.
Bwísit!
Gusto ko nang talagang baliin ang nakaakbay na braso ng matandang intsik na 'to, pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil hindi pa nagsisimula ang plano ko.
"Dala mo na ba ang three hundred million, my dear Emerald?" Malanding bulong niya sa tenga ko.
Muntik na akong magmura dahil sa pagbulong niya. Mabuti na lang nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...