Chapter 25

145 8 1
                                    

Nang makapasok na si Draven sa loob ng kotse niya, agad niya itong pinaandar ng sobrang bilis. Samantalang na iwan naman si Aaron doon na pa-iling-iling habang may malaking ngiti sa labi.

Gágo talaga ang isang 'yon. Nagawa pa niya talagang inisin si Draven. Pero bakit naman niya kaya 'yon ginawa?

"I can kick your boyfriend out of my school if he keeps always do some fúcking mess again!" Sabi niya bigla habang nagmamaneho ng sobrang bilis.

Tinignan ko siya at nangangalaiti pa rin siya. Umiigting pa ang panga niya habang abala ang tingin niya sa daan.

"Galit ka ba?"

"What do you think?" Sabi niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa kalsada habang nakakunot ang noo niya.

"Sabi ko nga, galit ka."

Sumandal na lang ako sa upuan at pinatong ang paa ko sa ibabaw ng dashboard ng kotse ni Draven. Pero bakit naman kaya galit na galit ang dragon na ito ngayon? Wala naman kaming ginawang mali kanina ni Aaron, maliban nga lang doon sa pag-aakala niya na mag-boyfriend kami ni Aaron.

"Aray!"

Napadaing ako nang biglang niyang pinitik ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero binigyan niya lang ako ng walang gana na tingin.

"Sinong may sabing pwede mong ilagay ang paa mo diyan?" Sabay itinuro niya ang paa ko na nasa ibabaw ng dashboard.

"Ako, sino pa nga ba?"

"'Wag mo akong mapilosopo-pilosopo, dimwit. Tanggalin mo ang paa mo diyan."

"Problema mo ba, huh? Eh sa comfortable ako sa ganitong pwesto."

"Put your feet down. 'Wag mo nang dagdagan ang galit ko sa'yo. Mapapatay talaga kita, akala mo nakalimutan ko na ang pakikipaglandian mo."

"Ang arte mo naman!"

Padabog kong binalik ang paa ko sa ibaba at umupo na lang ng maayos. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang ang pansin sa labas, pero hindi kalaunan nagtanong ako sa kanya.

"Gagawa ba talaga tayo ng project ni Ma'am Ventura?" Tanong ko at tiningnan siya.

"Oo." Maikling sagot niya.

"Akala ko ba ayaw mong gumawa no'n? Bakit ngayon gusto mo na?"

"Wala ka na doon."

"Huh?"

"Tsk!"

"Bakit nga?"

"Will you stop asking and shut your fúcking mouth!" Sigaw niya na naman bigla.

"Okay po." Ang nasabi ko na lang sa kanya at humalukipkip. Hindi ko naman namalayan na nilagay ko na naman ang paa ko sa ibabaw ng dashboard ng sasakyan niya kaya no'ng tiningnan ko siya, matalim na titig ang bumungad sa akin kaya ibalik ko ulit ang paa ko sa ibaba.

"Bakit kasi ayaw mong sabihin sa akin? Bakit nga?" Pangungulit ko dito.

"Ang kulit mo talaga." Bulong na sabi niya pero narinig ko naman.

Gulat akong napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Nakukulitan na siya sa akin?

"Anong sabi mo? Ulitin mo nga." Nakangiting sabi ko habang hinihila-hila ang laylayan ng damit niya.

"Get your hands off my shirt, dimwit. I'm driving!" Aniya habang pilit tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng t-shirt niya.

"Ulitin mo nga kasi ang sinabi mo kanina."

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon