Monday ngayon at kasalukuyang nasa klase ako, nakikinig kay Ma'am Ventura.
Tinignan ko 'yung katabi ko na si Draven, ayon tulog. Isang linggo na akong nag-aaral sa Hendrix Academy at sa isang linggong 'yon, parang impyerno ang buhay ko.
Hindi ko na nakita 'yung tatlong lalaking nakasalubong ko no'ng unang pasok ko, pero 'yung tatlong bibe, nakikita ko pa rin naman sila. Hindi ko alam kung anong nangyari doon sa tatlong lalaki at ayoko ng alamin pa at wala akong pakialam sa kanila. Mabuti na 'yung hindi ko sila nakikita dahil kapag nagkataon na makasalubong ko sila at gano'n ulit ang gawin nila, hindi na ako magdadalawang isip na lumaban.
Kung nagtataka kayo kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon gayong tinutukan ako ni Draven ng baril no'ng nakaraang linggo? Ganito kasi ang nangyari no'n...
Flashback...
"Ibig sabihin, 'wag mong tanungin pangalan ko." Diniin niya 'yong baril sa ulo ko.
"Pero dahil katapusan mo na ngayon, sasabihin ko ang pangalan ko. Para naman hanggang kamatayan mo alam mo kung sino ako. I'm Draven Carver Hendrix, ang tatapos sa buhay mo."
Para akong na estatwa sa kinatatatayuan nang marinig ko ang sinabi niya sa akin.
Nalaman ko nga ang buong pangalan niya, pero mukhang ngayon naman ang katapusan ko. Ano bang buhay 'to?
Rest in peace na lang sa nanganganib kong buhay. Sana may makapagsabi kay bossing na hindi ko na magagawa ang inutos niya. Tapos sana 'yung kabaong ko kulay rainbow then 'yung kanta dapat hindi malungkot, masaya gano'n. Party party lang ba, para kapag nagmulto ako sa mismong libing ko, sumasayaw ako gano'n.
Pipikit na sana ako para maghanda na sa kamatayan ko nang biglang may pumasok na idea sa utak ko. Tama! Bakit nga ba ako susuko? Ako si Ginger na kayang lumusot sa ano mang sitwasyon.
Hinawakan ko 'yung baril na nakatutok sa ulo ko pagkatapos ay kinuha ko sa kamay niya.
"What the—"
"Wow! Laruan ba 'to? Ang ganda, parang totoong baril ah. Sa akin na lang ito, please! Ang ganda talaga eh! At saka para may proteksyon ako sa sarili ko, malay mo baka may magtangkang gahasain ang magandang tulad ko, oh 'di ba magagamit ko ito pangontra, kaya akin na ito ha! Para talaga siyang totoo." Ang laki ng ngiti ko habang tuwang-tuwang kuno sa baril niya.
"Pero naglalaro ka pala ng baril-barilan kahit malaki ka na," tinapik-tapik ko ang balikat niya, "okay lang 'yan, makakapag-move on ka rin. Wala naman masama kung maglalaro ka ng toy gun. Pero ngayon hihingiin ko ito, please sa akin na 'to. Pleeeaasee." Sabi ko, with puppy eyes pa 'yan, para may effect kahit nakakadiri!
Hindi siya naka-imik sa inasta ko. Kunot lang ang noo niya. Mukhang umepekto ang acting skills ko hahaha wala akong ibang maisip na paraan. Bwísit talaga.
"Uy! Ang sabi ko sa akin na 'to." Sinundot ko pa ang pisngi niya. Natauhan naman siya at tiningnan ako ng napakasama.
"Do you think that's a toy gun? Where on earth are you from?" Lukot ang mukha niya nang sabihin niya iyon, tumango ako at ngumiti pa rin ng napakalaki sa kanya.
Naniwala nga siya sa acting skills ko. Uto-uto.
"Ako? Galing ako sa pénis ng papa ko, tapos nag-séx sila mama at papa kaya napunta ako sa ováries ni mama, hanggang sa lumaki ako sa tiyan niya kaya ito, nandito na ako sa Earth kinakausap ka. Hehe."
Ang pula na siguro ng mukha ko kakapigil tumawa ng malakas. Ang epic kasi ng itsura niya, napangiwi pa siya.
Napapikit siya nang mariin at hinilot ang sintido niya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
AzioneTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...