Chapter 23

145 6 1
                                    

Ginger Lingyun Rodriguez POV



"Your cheeks are so red. Do you have a crush on me, dimwit?"

Grabe nakakahiya—teka, ano ang sinabi ni Draven? Ako may crush sa kanya?

Luh. Napaka-assuming pala ng lalaking 'to. Hindi lang assuming, delulu pa. Porket namumula lang pisngi ko, may crush na ako agad sa kanya? 'Di ba pwedeng nahihiya lang?

"Pinagsasabi mo? Ako may crush sa'yo? Nasisiraan ka na ba ng bait? Hindi kita crush 'no! At mas lalong hindi ako magkakagusto sa'yo. Sa sungit mo ba naman." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Okay."

Iyon lang ang sinabi niya at nagkibit-balikat. Wala man lang siyang pinakitang emosyon pagkatapos kong sabihin iyon.

"Why are you blushing then?" Walang ganang tanong niya.

Nginuso ko ang mga estudyante na hanggang ngayon ay na nakatingin pa rin sa aming dalawa.

"Tignan mo sila baka akala nila na naghahalikan tayo kaya sila nakatulala diyan. Namumula ako dahil sa hiya. Ano, naintindihan mo na?"

"Tsk."

Walang gana niyang inilibot ang paningin niya sa buong paligid para tignan kung nakatingin ba talaga sa aming dalawa ang mga estudyante. Para namang si flash ang mga estudyanteng nakatingin sa amin dahil ang bibilis nilang nakabalik sa ginagawa nila.

Iyong ibang estudyante pilit tumatawa kahit wala namang nagbibiro. Iyong ibang estudyante naman, ang bilis naka-hawak ng cellphone nila at kunwari may tumatawag kahit wala naman, tapos iyong mga nerd, ang bilis nakahablot ng libro kahit hindi sa kanila, at baliktad pa iyong pagkakabasa dahil sa kakamadali para hindi sila makita ni Draven na nakatingin sa amin.

"Tara na, pabayaan mo na sila kung anong iisipin ng mga 'yan." Sabi niya at naglakad na ito.

Hindi na muli ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya sa likuran na nakayuko ang ulo. Ayaw kong tignan ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Napakasama kasi ng tingin nila sa akin.

"Aray!"

Napahawak muli ako sa ulo ko nang mabangga na naman ako sa likuran ni Draven. Humarap siya sa akin at nakatanggap na naman ako ng panglalait galing sa kanya.

"Can you watch your step? You've been clumsy twice!" Sigaw niya.

Tumingala ako upang tignan siya. Nakakatakot ang mukha niya, para na siyang si Incredible Hulk.

"Bakit kasi bigla ka na lang huminto sa paglalakad? Iyan tuloy nabangga ko ulit ang matigas mong likod."

Napahilamos siya sa mukha niya pagkatapos tingnan ako ng masama. Tila para bang nauubos na ang pasensiya niya sa akin.

"Go first."

"Huh?" Nagkamot ako sa batok ko. Nakakalito talaga siya. Minsan talaga nakakabóbo ang mga pinagsasabi niya. Hindi pa kasi kompletuhin ang sasabihin, hindi 'yong huhulaan mo pa kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"Dimwit ka talaga." Bulong niya pagkatapos pumunta siya sa likuran ko at tinulak niya ako. Hindi naman malakas 'yung pagtulak niya sa akin, parang tinulak lang niya 'yung balikat ko nang mahina.

"I'm here behind you. Walk."

Lilingon na sana ako para tanungin siya kung ano ang ginagawa niya sa likuran ko nang pinigilan niya ang ulo ko.

"If I say 'walk', just walk. Don't turn your head."

Kahit medyo nalito ako sa sinabi niya, lumakad na lang ako.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon