Chapter 13

163 8 1
                                    

Sabado ngayon at wala akong pasok. Hindi rin ako pinatawag ni bossing kaya siguradong nandito lang ako buong araw sa apartment. Pumunta ako sa kusina dahil umagang-umaga nagugutom ako.

Napapahikab pa ako habang binubuksan ko ang refrigerator ko, pero napahinto ako sa paggalaw ko nang mapansin kong ubos na pala ang mga pagkain ko dito sa refrigerator. Tiningnan ko pa ang mga cabinet ko kung may stock pa ako ng mga delata, pero wala din akong nakita.

"Sa labas na nga lang ako kakain. Maggro-grocery na rin ako." Bulong ko sa aking sarili.

First time ko yatang lumabas at bumili ng grocery. 'Yung mga kinakain ko kasi no'ng una, meron na 'yan dito sa apartment ko, si bossing yata naglagay ng mga 'yon.

Lumabas ako ng apartment pagkatapos kong magpalit ng sando na kulay puti na pinatungan ko ng itim na leather jacket at sa ibaba ko naman ay itim na shorts ang suot ko. Nakasumbrero din ako na kulay puti at crocs na kulay puti.

Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot na ito papuntang mall. Mas gusto ko pa yata ang ganitong buhay kaysa doon kay bossing.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa mall. Pagkapark ko sa motor ko, dumiretso na ako sa food court at bumili ng pagkain.

Isang takoyaki, burger, at coke lang ang binili ko. Umupo ako sa isang bakanteng lamesa at nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain ako, tinitingnan ko naman ang mga tao sa paligid ko. Napatigil ang paningin ko sa isang pamilya na masayang kumakain malapit sa pwesto ko.

Kung hindi nila ako iniwan doon sa bahay-ampunan, ganito din ba ako kasaya? Mararanasan ko pa kaya ang mga paghihirap ko noon no'ng bata ako?

Isang trahedya na hinding-hindi ko makakalimutan. Alam kong kahit na matagal na 'yon nangyari, sinisisi ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon dahil namatay sila. Hindi naman sila mamatay kung hindi dahil sa akin.

Napatigil ako sa pagkain ko nang maramdaman kong parang may mata na nagmamasid sa akin. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at hindi sinasadyang napatingin ako sa dalawang lalaki sa may hindi kalayuan na nakatitig sa akin. Nagtitigan kaming tatlo, pero agad silang umiwas ng tingin sa akin at tinakpan nila ang kanilang mukha ng diyaryo.

Weird.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain, pero hindi kalaunan tiningnan ko ulit 'yong dalawang lalaki. Nakatitig ulit sila sa akin. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila, tinakpan na naman nila 'yong mukha nila ng newspaper.

May hindi ako magandang nararamdaman dito.

Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na ako sa food court dahil parang nangangamoy gera dito. Susubo na sana ako nang mapadako 'yong paningin ko sa ilalim ng lamesa no'ng dalawang lalaki. Nakatutok na 'yung baril nila sa kinaroroonan ko.

Tángina, sabi na eh!

Inubos ko muna ang burger na kinakain ko bago ako dahan-dahang tumayo at nagmadaling lumabas sa foodcourt. Nang medyo malayo na ako, tumakbo ako para hindi nila ako maabutan dahil sinundan na nila ako.

Shutángina!

Pumasok ako sa isang bilihan ng mga damit at nagkunwaring namimili ng damit para makatago. Huminto 'yung isang lalaki sa pintong pinasukan ko kaya pumunta ako sa may gilid at tinakpan 'yung mukha ko ng damit na nahila ko lang kung saan.

Sino ba sila?

Sinilip ko 'yung lalaki. Nakitang kong papasok siya sa pinasukan ko, pero hindi natuloy dahil dumating 'yong isa niyang kasama at hinila siya palabas.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon