Nagmadali akong umalis doon sa locker room at dumiretso na sa klase ni Ma'am Ventura. Bakit pa kasi locker pa ni Draven 'yung pinagsusuntok ko, yari na naman ako nito sa kanya.
Tumatakbo pa ako habang papunta sa math building dahil sa katataranta na baka may makakita sa akin doon sa locker room. Pagdating ko sa pinto agad ko itong binuksan at napatingin silang lahat sa akin, pati si Ma'am Ventura.
Pero halata namang sanay na sila sa akin na palagi kong dinidisturbo 'yung klase ni Ma'am Ventura at sanay na rin si Ma'am sa akin. Pero kahit gano'n, kailangan ko pa rin magbait-baitan portion.
"I'm sorry, Ma'am, I'm late."
Tumango naman siya at ngumiti lang sa akin. "It's okay, Mr. Rodriguez. You may now sit."
Tinanguan ko siya at umupo na sa upuan na nasa likuran. Pagdating ko sa upuan ko, naka-hinga ako ng maluwag dahil wala pa 'yung lima. Hindi pa sila dumating kaya prenteng-prente lang akong nakikinig kay Ma'am.
"Alam mo ba na may practice sina Draven ngayon sa basketball?"
"Alam ko gága."
"Gusto ko sana manood kaso may quiz tayo kay Ma'am ngayon. Sayang."
"Ok lang 'yan, gusto ko rin naman manood pero patapos na sila ngayon sa pagpra-practice, sayang lang kapag magcu-cutting tayo."
"Sa bagay, baka nagbibihis na sila ngayon."
Natigilan ako sa narinig kong bulungan ng dalawang kaklase ko. Ibig sabihin, pupunta si Draven sa locker niya para kumuha ng damit. Shutángina! Patay ako nito! Siguradong magwawala 'yon kapag nakita niya ang locker niya na pinagsusuntok ko ng todo-todo.
Bwísit naman na buhay 'to!
Habang abala ako sa pag-iisip kung ano ang magiging itsura ni Draven kapag nakita na niya ang kanyang sirang locker, biglang bumukas ang pinto nang pagkalakas-lakas, 'yung tipong kulang na lang lilipad na 'yung pintuan sa sobrang lakas ng pagkakabukas nito.
Pumasok ang limang nilalang na ayaw kong makita ngayon. Pumasok na nga sina Draven na halos matanggal na ang pinto dahil sa lakas ng pagkabukas nito. Mukhang tinadyakan 'yon ni Draven dahil sa lakas ng impact ng pagkabukas.
Kaming lahat natigilan sa ginawa niya. Mas lalo na ako natigilan, ikaw ba naman ang may kasalanang ginawa.
Háyop, kailangan kong umalis dito. Hindi ko pa balak mamatay 'no. Alam niyo 'yung mukha ni Draven ngayon parang dragon, kulang na lang bubuga siya ng apoy.
"Mr. Hendrix, dahan-dahan naman sa pagbukas ng pinto baka masira 'yan." Mahinahong sabi ni Ma'am Ventura, pero mahinahon din naman ang pagkakasabi ni Draven. Ganito kahinahon...
"I DON'T FÚCKING CARE! NOW, WHERE ON EARTH IS THAT ANNOYING DIMWIT CREATURE?!" Galit na sigaw ni Draven kay Ma'am Ventura.
Nagtaka ba kayo kung bakit hinahanap ako ni Draven, eh naka-upo lang naman ako sa upuan ko kanina.
Oo, kanina, kasi ngayon nandito na ako sa ilalim ng arm chair ko. Naka-upo ako sa semento habang sinusulyapan siya doon sa harap.
Hindi ako takot kay Draven. Takot ako sa kung ano man ang gagawin niya sa akin. Malay natin, baka ipatakbo niya ako sa buong field o 'di kaya ipapalinis niya ako sa banyo buong araw, o baka ipatanggal niya ako dito sa paaralan, o baka patayin niya ako dahil sa galit niya.
Hindi naman pwede na labanan ko siya. Baka mahalata niya na nagpapanggap lang ako na mabait. 'Di ba ang mga mababait hindi lumalaban. Hindi marunong humawak ng baril kaya hindi talaga pwede na labanan ko siya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...