Ginger Lingyun Rodriguez POV
The fúck! Anong ginagawa ko? Bakit ako nagnanakaw ng halik sa isang tao. Ito ba ang kinalabasan sa hindi namin pagkikita ng tatlong linggo?
Napakurap-kurap ako ng maraming beses nang magsink-in sa utak ko ang ginagawa ko. Tatapusin ko na sana ang halik nang biglang gumalaw ang labi niya. Napatulala ako, ngunit hindi nagtagal ay napapikit ako dahil sa paghalik ni Draven na para bang alam niya na hinalikan ko siya.
Hindi ko namalayan, hinalikan ko na rin siya pabalik. We kissed passionately na halos mabaliw ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Naghalikan lang kami hanggang sa matauhan ako. Dali-dali ko siyang tinulak. Hinawakan ko ang labi ko.
Naghalikan ba talaga kami? For real? Tinignan ko si Draven. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at mukhang mahimbing ang pagtulog niya pero bakit siya tumugon sa halik ko.
Huwag mong sabihing nanaginip siya kaya niya ako hinalikan pabalik?
"Hoy!" Sinundot ko ang pisngi niya para i-confirm kung natutulog ba talaga siya. Hindi siya gumalaw pagkatapos kong sundutin ang pisngi niya. Nakapikit pa rin siya.
"Nananaginip ka nga."
Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa semento. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismya. Ewan ko kung bakit ako dissapointed. Siguro dahil nananaginip lang si Draven kaya niya ako hinalikan pabalik o baka dissapointed ako dahil nagpadala ako sa halik niya.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Naiinis ako sa naisip ko.
Naglakad ako na parang lutang papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto ko agad akong bumagsak sa kama.
Sobrang dilat pa rin ang dalawang mata ko. Bumalik-balik pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina. Para akong lumulutang sa alapaap kapag naiisip ko iyong paghahalikan namin ni Draven.
Hinawakan ko ulit ang labi ko, ang lambot at ang sarap humalik ni Draven. First kiss ko pa naman siya.
Hanggang sa nag-umaga na lang hindi pa rin ako nakatulog dahil tuwing pipikit ako, ang mukha ni Draven ang nakikita ko.
"Bwísit talaga!"
Nagpagulong-gulong ako sa kama at nagsisigaw. Nang mapagod ako, tumayo na ako para magluto na lang ng makakain. Kahit paglalakad palabas ng kwarto ko sabog na sabog pa rin ako.
Nadaanan ko si Draven sa sofa na natutulog pa. Hindi ko na siya binigyan ng sulyap dahil masisiraan na talaga ako ng bait. Dumiretso na ako sa kusina para magluto na.
Nagluto ako ng hotdog, spam at sunny side up egg. Gumawa rin ako ng kape para sa akin para mabawas-bawasan ang kalutangan sa isip ko.
Habang nagluluto ako sinabayan kong kumanta. Biglang pumasok sa isip ko 'yong kanta na napakinggan ko no'ng isang araw.
"Heto na naman naririnig kumakaba-kaba itong dibdib. Lagi na lang sinasabi, puwede ka bang makatabi? Kahit sandali lang, puwede ba? Sana'y pagbigyan, sige na. Mukhang tinamaan yata ako..."
Huminto ako sa pagkanta para kunin ang sandok ng kanin at gawing microphone. Sinabayan ko pa ng pagkendeng-kendeng habang kumakanta.
"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli ka."
Habang kinakanta ko iyong chorus, pumikit ako para mas madama ko ang kanta, pero kumendeng-kendeng pa rin ako tapos ang kamay ko nag-form ako ng puso at kunwari tumitibok-tibok ito.
Oo na, iba talaga ang nagagawa ng walang tulog. Nagmumukhang tánga at baliw.
"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong hu—"
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...