Chapter 21

181 11 5
                                    

Kinaumagahan, tunog ng alarm clock ko ang nagpagising sa akin. Pinatay ko naman ito at pagod akong tumayo sa kama. Lunes na ngayon at ibig sabihin, may pasok ako. Pakamot-kamot pa ako ng ulo habang papunta ako sa loob ng banyo para maligo.

Hindi na sana ako gigising ng maaga para mag-ayos para pumasok sa Academy kung wala lang iyong one month stay before you quit kineme na 'yon. Kailangan ko pa tuloy mag-aral ulit. Kung pwede ko lang bayaran ang 2.5 million para hindi na ako bumalik sa pag-aaral, binayaran ko na. Kaso wala akong ganoong pera kaya wala akong magawa kung hindi ang pumasok ulit sa Hendrix Academy.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniporme. Kumain lang ako ng kaunti. Hindi na ako nagsuot ng eyeglasses dahil mukhang wala namang nakakakilala sa akin doon sa Hendrix. Ang laban namin ni Draven sa Hotel noon ay nakalimutan na yata niya iyon kaya okay na akong hindi magsuot ng eyeglasses. Medyo nakakapanibago dahil palagi ko itong sinusuot. Ngayon tinaggal ko na ito sa mata ko. Gusto ko kasing maging bago naman sa paningin ng mga studyante.

Pagdating ko sa Hendrix Academy, binati ko ang guard. Nagulat siya nang makita ako. Nginitian ko na lang siya at pumasok sa loob hanggang makarating sa parking lot.

Pagpasok ko sa parking lot, walang bakanteng pwesto para sa motor ko. Hininto ko muna ang motor ko para humanap pa ng pwesto.

"Malas na buhay naman! Kung kailan nagmamadali ako, doon pa walang bakanteng pwesto. Naunahan pa ako sa pwesto ko, letse!" Inis na sambit ko habang nakatingin sa nakasanayan kong pwesto noon na ngayon ay may nagmamay-ari na.

Pupunta pa naman ako ngayon sa principal's office para i-clear kung tama ba iyong sinabi ni Draven na kailangan ko munang mag-aral ng isang buwan bago mag-quit saka para na rin malaman ng principal na nandito na ako ulit. Baka may ipapa-sign sa akin na form kaya kailangan kong pumunta doon.

Inikot ko ang buong tingin ko sa loob ng parking lot. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa pinakadulo nitong parking lot. May isang pwesto doon. Napangiti ako nang malaki nang makita ko iyon.

"Ayos, nandiyan ka lang pala." Nakangiting sabi ko.

Pinaandar ko na ulit ang motor ko at pinatakbo papunta sa pinakadulo ng parking lot. Pagdating ko sa pinakadulo, agad kong ipinasok ang motor ko sa nag-iisang pwesto dito sa parking lot.

Nang maipasok ko na ang aking motor, agad kong pinatay ang makina pagkatapos bumaba sa motor, ngunit bago pa ako makababa, isang busina ng kotse ang narinig ko mula sa likuran ko. Tinignan ko kung sino ang may-ari ng sasakyan na bumusina sa akin.

Nakita ko ang isang Lamborghini at nakita kong sumilip si Draven mula sa bintana ng kanyang kotse.

"Dimwit, that's my place. Get your trash motorbike in there!" Sigaw niya pagkatapos ay ipinasok na niya pabalik ang kanyang ulo sa loob ng sasakyan.

"Bwísit!" Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Bwísit naman na buhay 'to! Saan naman kaya ako nito magpaparada ng motorbike ko?

Pinaandar ko ulit ang motor ko papalabas sa pinagparkingan kong pwesto at hininto ko ito sa may sulok na katapat lang sa sasakyan ni Draven. Lumabas na siya sa sasakyan niya at nakapamulsang naglalakad papalapit sa pinaghintuan kong pwesto.

"Sa laki ng lugar dito, why do you always choose my space, huh?" Nakakunot noo na sabi niya.

"Malaki nga ang pwesto na 'to, puno naman saka malay ko ba na sa'yo pala ang pwesto na 'yan. Edi sana kung alam ko lang no'ng una hindi na sana ako nagpark diyan." Iritang saad ko.

Naiinis na tuloy ako bigla. Kung kailan may nahanap ka ng pwesto saka naman may dadating na kontrabida.

"So, you have the guts to talk to me like that, galit ka?" Tumaas ang isang kilay niya.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon