Minsan sa buhay, kailangan mo na lang din hayaan kung ano ang mangyayari sa'yo. Kailangan mong magpanggap na ayos lang ang lahat kahit ang totoo, hindi.
Gusto kong umalis at mamuhay na lang mapayapa, pero alam kong hanggang panaginip lang 'yon. Madaming mga matang nakamasid sa akin at maling galaw o aksyon ko lang, makakasama ko na lang bigla si Lord.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Pumara ako sa sinasakyan kong jeep nang nasa tapat na ako ng Academy. Naiwan ko kagabi sa Academy ang motorbike ko kaya no choice ako kanina kung hindi ang sumakay sa jeep.
Pasado alas-syete pa lang ng umaga ay nandito na ako sa Academy. Wala pang gaanong estudyante dahil ang simula ng klase ngayon ay 9:00. Napagdesisyon kong maglakad-lakad sa buong Academy para kahit papaano, malibang ko muna ang sarili ko at exercise na rin ba kumbaga.
Nang mapagod ako, umakyat ako sa isang puno dito sa field at umupo sa isang sanga. Ramdam ko ang bawat hangin na dumadampi sa balat ko at nakakaginhawa iyon sa pakiramdam.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon at nagising na lamang ako nang bigla kong marinig ang school bell. Bumaba na ako sa puno at pumunta na sa Math building.
Pagkarating ko sa room, naabutan kong nag-aattendance na si Ma'am Ventura. Bumati lang ako dito ng good morning at dumeretso na sa upuan ko. Napansin kong si Luna pa lang ang nasa pwesto namin, wala pa sila Draven.
"Good morning, Gin." Bati ni Luna pagka-upo ko sa upuan.
"Good morning rin, Luna."
Nginitian niya ako at nakinig na siya kay Ma'am Ventura.
"Draven Carver Hendrix."
"Wala pa po, ma'am." Sagot ng isa sa mga kaklase ko.
"Late na naman siguro ang limang 'yon." Sabi ni Ma'am Ventura habang umiiling-iling.
Biglang bumukas ang pinto ng malakas at pumasok ang lima na parang hari. Nangunguna si Draven habang nakapamulsa. And as usual, sumunod rin sina Ivan, Casper, Dark, at Tyler, dumiretso na sila sa mga upuan nila.
"Kayong lima, alas-nuebe na nga ang klase natin ngayon nakuha niyo pang magpalate. Ano na naman ba ang ginawa niyo?" Tajong ni Ma'am Ventura.
Tumigil sa paglalakad 'yung tatlo, habang sila Draven at Ivan, dumeretso na sa upuan nila na parang walang narinig.
Sinundan ko ng tingin si Draven. Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin kagabi.
'Huwag mo ng ulitin ang pagmanman sa akin or else I will not hesitate to kill you. Remember, this is your one last chance to live, dimwit. Just follow my order, remember my order. That's my order.'
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Okay, fine! Fine! Umupo na kayo."
Nabaling ang tingin ko kay Ma'am Ventura na mukhang napipikon na sa tatlo dahil lumabas na naman yata ang kalokohan nila.
"Masusunod, mahal na binibini." Sabay na sabi nilang tatlo. Nag-bow pa sila pagkatapos umupo na sila sa kanilang upuan.
Nagpatuloy na Ma'am Ventura sa pag-aattendance.
"Angelica Park."
"Absent pa rin po, ma'am." Sabi ng isang kaklase kong babae na nasa harapan.
"Dalawang araw na siyang absent. Ano kayang nangyari sa batang 'yon? May alam ba kayo kung anong nangyari sa kanya?" Nagtatakang sabi ni Ma'am Ventura habang may pag-aalala sa itsura nito.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...