Nagtaka ako ng dinala ako ni Draven sa apartment ko.
"Bakit nandito tayo? Dito ba tayo gagawa?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at ipinarada niya lang ang sasakyan niya sa may gilid.
"Lumabas ka na." Aniya sabay tanggal ng seat belt niya.
"Dito tayo gagawa ng project natin? Sa apartment ko?" Tanong ko ulit habang tinatanggal ko ang seat belt ko.
"Ano sa tingin mo?" Ang sabi niya lang at lumabas na ng tuluyan sa sasakyan niya.
"Grabe, ang tino ng sagot ah." Bulong ko at kinuha ang bag ko na nasa back seat at lumabas na din ako sa loob ng kotse niya.
Nakita ko naman siyang nakasandal sa gilid ng gate ng apartment ko habang nakatitig sa akin.
Binuksan ko na ang gate at nauna na akong pumasok. Sumunod naman siya sa akin. Pagpasok namin sa loob ng apartment ko, agad siyang umupo sa sofa.
"Magbibihis lang ako sandali. Hintayin mo na lang ako dito." Sabi ko habang tinatanggal ko ang sapatos ko.
"Bilisan mo." Sabi niya at binuksan ang TV.
Ay wow, feel at home.
Napa-iling na lamang ako at inilagay ang sapatos ko sa lalagyan at umakyat na ako sa second floor at nagbihis ng pambahay na damit. Isang kulay black na sando at boxer short lang ang sinuot ko. Lumantad tuloy ang kaputian ko dahil sa suot ko ngayon, pero si Draven lang naman 'yon kaya ayos lang kung eto ang isuot ko.
Minsan pa nga kapag trip kong walang suot na damit, ginagawa ko eh. Ako lang naman tao no'n sa apartment, since may bisita ako, siyempre magdadamit ako.
Pagkababa ko sa first floor, nakita ko kaagad si Draven na nanonood pa rin ng TV. Pumunta ako sa harap niya humalukipkip.
"Magsimula na tayo." Sambit ko. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa at napansin kong matagal itong nakatitig sa legs ko.
"Bakit, anong problema?" Tanong ko dahil unti-unti kong nakita ang pamumula ng magkabilang tenga niya.
"G-Get out of my sight. I'm watching." Medyo mahinang sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.
"Hindi ba tayo gagawa ng activity?"
"Nah."
"Huh? Anong nah?"
"We'll do it later."
Nagkamot ako ng ulo at ngumuso na lang.
"Okay."
Umupo ako sa tabi niya at nakinood na rin kaso basketball naman pala ang pinapanood niya. Hindi tuloy ako maka-relate.
"Ang pangit naman ng pinapanood mo." Sabi ko sabay agaw ng remote sa kanya.
Nilipat ko ang channel ng walang lingon-lingon sa kanya. Habang abala pagpindot at pagtingin ng magandang channel, napansin kong hindi kumikibo si Draven sa tabi ko at nakatitig lang sa akin. Tiningnan ko naman siya na may pagtataka sa mukha.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sinong may sabi sa'yo na pwede kang umupo sa tabi ko." Aniya habang magkasalubong ang dalawang kilay niya.
Itinutok ko naman ang remote na hawak ko sa kanya at tinaasan ng isang kilay. "Sa'yo 'tong apartment, ha? Sa'yo? Sa'yo?"
Nilapit-lapit ko pa ang mukha ko papalapit sa mukha niya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang pinitik ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...