Third Person POV
Nang sumapit na ang hating-gabi, kanya-kanyang pwesto na ang limang binata. Pumwesto si Ivan sa pinakasulok at liblib na lugar sa hideout at hinarap ang laptop na nakakonekta sa lahat ng CCTV sa labas at loob ng kanilang hideout. Si Tyler naman, ipinagko-konekta niya pa ang mga CCTV. Samantalang si Dark, naka-dapa sa bubong ng hideout at nakatitig sa sniper na dala niya. Hindi rin papahuli si Casper, pinagtatagpi-tagpi niya ang mga bomba sa labas at loob ng hideout, at ang huli si Draven, nasa loob lang siya ng hideout, nagtatago sa kung saan.
Ivan:
Nandiyan na 'yong mga kalaban, nakikita ko na sila dito sa laptop.
Dark:
Nakikita ko rin sila dito sa aking sniper. Mukhang marami sila.
Tyler:
Nandiyan na ba sila? Hindi pa ako tapos dito sa paglalagay ng CCTV. Baka maabutan nila ako dito.
Casper:
Bilisan mo diyan, malapit na akong matapos sa ginagawa ko.
Tyler:
Akala mo naman tapos ka na sa ginagawa mong gago ka!
Casper:
Tsk! Malapit na akong mata—
Draven:
Titigil ba kayo o hindi?
Tyler:
Si Casper kasi.
Casper:
Anong ako? Ikaw kaya!
Tyler:
Ikaw ang nagpasimuno ng away kaya ikaw ang may kasalanan dito.
Casper:
Ikaw ang nagpalaki ng away natin kaya kasalanan mo.
Tyler:
Aba! Ikaw kaya.
Casper:
Ikaw.
Tyler:
Hindi nga ako sabi eh. Ikaw gágo!
Casper:
Mas gágo ka! Ikaw ang may kasalanan ikaw, ikaw, ikawwww!
Tyler:
Ika—
Draven:
Both of you, do you want to die?
Tyler:
Hehe.
Casper:
Hehe.
Draven:
Tsk!
Dark:
Nasa kalagitnaan tayo ng mapanganib na sitwasyon, nagawa niyo pa magbangayan diyan.
Tyler/Casper:
Nagsalita ang mabait!
Dark:
Tángina niyong dalawa!
Ivan:
Mag-concentrate na nga kayong tatlo diyan sa pwesto niyo baka diyan kayo mapahamak.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...