Chapter 24

166 9 1
                                    

"Gingerrr!"

Umaalingaw-ngaw ang sigaw ni Luna sa buong classroom nang makita niya akong pumasok. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ng sobrang higpit.

"Na-miss kita! Bakit nawala ka na lang bigla dito sa Hendrix Academy? At saan ka ba nagpunta!?" Nanggigigil na sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Hindi na rin ako gaanong makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap niya.

"L-Luna, b-bitaw hindi na ako gaanong makahinga. 'Tsaka nasa atin na ang buong atensyon ng kaklase natin." Sabi ko habang ngumiti ng pilit. Nasa amin na kasing ang atensyon nilang lahat at naiilang ako. Si Ma'am Ventura naman ay napapa-iling na lang.

"Ay sorry! Na-miss lang talaga kita. Mahigit tatlong linggo ka ring na wala kasi!" Humiwalay siya sa yakap niya sa akin. Nginitian ko siya at hinila na papunta sa upuan namin.

"Tara na muna sa upuan natin." Pag-aya ko sa kanya.

"Mr. Rodriguez, mag-usap tayo mamaya pagkatapos ng klase ko." Binalingan ko si Ma'am Ventura ng sinabi niya iyon. Mukhang magtatanong lang ito kung ano ang ginagawa ko ngayon dito sa Academy.

"Yes, ma'am." Ang sinabi ko na lang sa kanya at dumeretso na sa upuan namin.

"Yow! Gin, welcome back!" Nakangiting sabi ni Dark sa akin.

"Maligayang pagbabalik, Ginger. Mabuti na lang pumasok ka na ulit. Dahil ito si pareng Draven simula noong umalis ka, hindi na rin siya pumasok sa kla—"

"Do you want to die, Casper?!" Galit na banta ni Draven.

"Sabi ko nga, tatahimik ako." Sabi ni Casper at kinausap si Dark na nasa tabi niya.

"Tsk!"

Tinignan ko si Draven dahil parang nabuo ko na ang sinabi ni Casper sa utak ko.

Kung gano'n simula nang umalis ako dito sa Academy, hindi na rin siya pumasok? Ano naman ang dahilan niya kung bakit hindi siya pumapasok? Dahil ba sa akin? Pero baka naman may ibang dahilan kaya hindi siya pumapasok.

Bigla siyang napatingin sa akin at kinunotan ako ng noo. "Don't look at me as if I'm the murderer, dimwit. Alam ko ang tumatakbo diyan sa isip mo."

"Pabayaan mo na nga 'yang si Draven, Ginger. Umupo ka na lang." Singit ni Luna at hinila na ako pa-upo.

Napatulala ulit ako dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Casper. Kung iintindihin kasi ng mabuti ang sinabi ni Casper kanina, parang ako talaga ang dahilan kung bakit hindi pumapasok si Draven. Pero ang kapal naman yata ng mukha ko kung iisipin ko na ako ang dahilan.

"Mr. Rodriguez, are you listening?"

Nabalik ako sa ulirat ko ng tinawag ako bigla ni Ma'am Ventura kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Yes, ma'am. I'm listening."

"Okay, mag-concentrate ka. Napansin ko lang kasi na parang wala ka sa mundo mo."

"Sorry po, ma'am."

"Okay I will continue my discussions. When you convert the X to Y it becomes..."

Nagpatuloy na sa pagtuturo si Ma'am Ventura. Nakinig na lang ako sa kanya kahit ang ingay nila Casper at Luna sa gilid ko. Halatang hindi sila nakikinig dahil nag-uusap lang sila.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Alice, nakatingin siya sa akin ng nakangiti kaya napangiti rin ako sa kanya.

Nag-focus na ako sa pakikinig kay Ma'am Ventura kahit hindi ko naman naintindihan dahil puro X and Y lang ang sinasabi niya. Minsan sumisingit si A at B kaya mas lalo akong napanganga sa discussion niya. Mabuti pa itong si Draven, natutulog lang sa klase ni Ma'am Ventura.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon