Chapter 28

146 11 4
                                    

Bwísit, bakit bigla na lang 'tong sumulpot at saan ba lamay pupuntahan niya? Mula ulo hanggang paa, kulay itim lahat ng suot niya.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at nang mapansin niya ang ginagawa ko, kusa na niya itong tinanggal. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ano bang pumasok sa isipan mo at ganyan ang suot mo ngayon? Dinala mo pa ako dito sa may sulok. Ano ba ang ga—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Tumahimik ka, baka marinig ka nila. Tatanggalin ko lang 'to kung ititikom mo 'yang bibig mo, dimwit." Mariin na bulong niya

Tumango-tango naman ako.

"Good."

Pagkatanggal niya ng kamay sa bibig ko, may sinilip na naman siya sa kung saan kaya na curious ako kung ano ang tinitingnan niya.

"Sino ba 'yang sinisil—oo na, tatahimik na ako." Napa-irap na lang ako nang binigyan niya ako ng matalim na tingin. Hindi ko tuloy natapos ang itatanong ko.

Bumalik na naman siya sa pagsilip sa unahan. Sobra na talaga akong na-curious sa sinisilip niya kaya hindi ko na napigilan, sumilip din ako.

Pagsilip ko sa may hindi kalayuan. Merong babaeng nakatayo na nakatalikod sa amin ang nakita ko. May kaharap siyang isang lalaki. Hindi ko alam kung anong mukha no'ng lalaki dahil natatakpan siya ng babae.

"Anong ginagawa nilang dalawa diyan?"

Hindi niya ako sinagot. Nanood na lang ako at hindi na umimik pa. Hindi ko din kasi marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila sa amin.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla na lang natumba sa kinapwepwestuhan 'yung lalaki at doon ko lang nakita na binaril pala siya no'ng babaeng kausap niya. Unti-unti na ring kumakalat ang dugo ng lalaki sa semento.

"Púta! Nagkalat pa." Rinig kong bulong ng lalaking nasa likuran ko.

Unti-unti namang humarap ang babae at doon ko nakita ang buong mukha niya. Siya 'yung babaeng naka-usap ko kanina sa banyo.

"Sino 'yung pinatay niya?" Tanong ko ulit, pero hindi na naman niya sinagot ang tanong ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya.

Ang tangkad naman kasi ng hináyupak na 'to.

Sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin doon sa babae. Para bang binabasa niya ang nasa utak no'n. Napa-iling-iling na lang ako saka binalik ang tingin sa babae.

Huminto siya sa isang pulang kotse na limang sasakyan lang ang pagitan sa pinagtataguan namin ni Draven. Pinatunog niya ito at papasok na sana siya sa loob nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Yeah! Job well done... wala na tayong sabit dahil napatay ko na ang pinapapatay mo sa akin.... oo, thanks... magkita na lang tayo.... sige, bye."

Pumasok na ng tuluyan ang babae sa kotse niya pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Sinundan ko pa rin ng tingin ang kotse ng babae habang papalabas ng parking lot.

Kung gano'n, ang tinutukoy niya kanina sa banyo ay 'yung lalaking pinatay niya ngayon?

"Sundan mo ang pulang sasakyan. Papalabas ito ng parking lot at i-report mo sa akin kung saan ito pupunta... i-text mo na lang ang location, ASAP."

Nabaling ang atensyon ko kay Draven, may kausap pala ito sa cellphone niya.

"Linisin mo ang kalat dito sa parking lot habang wala pang nakakakitang ibang tao."

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon