Chapter 9

148 8 1
                                    

Halos lumuwa na 'yung puso ko nang marinig ko ang ko boses ni Draven. At hindi lang 'yan, baka makilala niya ako, pero mabuti na lang patalikod niya akong niyakap. Ang posisyon namin ngayon, nakatutok sa ulo ko 'yung baril na hawak niya at nakapulupot naman 'yung isang braso niya sa leeg ko. Parang hostage niya ako gano'n.

"Where is the fúcking bomb!?"

Umiling ako. Mas lalo naman niyang idiniin 'yung baril sa ulo ko.

Sabi ko na nga ba eh, 50/50 ang buhay ko nito ng dahil lang sa bomba na 'to!

"I'm warning you, Lady Red." Mariin na bulong niya sa tenga ko.

Luh, Lady Red. Tsk.

Umiling ulit ako at pumikit

Diyos ko kayo ng bahala sa buhay ko. Amen.

"Do not test my patience. I know you already have the bomb. Where is the bomb?"

Umiling pa ulit ako at pasimpleng tiningnan 'yung bomba at pera sa kamay ko.

Nanlamig ang katawan ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong wala na 'yun sa kamay ko.

Hala, saan ko 'yon nailagay!?

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung saan ko 'yon nilagay, pero nahihirapan akong gumalaw dahil nga nakapulupot ang braso niya sa leeg ko.

"Last question. Where is the bomb!?" Sigaw niya, pero hindi ko 'yon pinansin at hinanap 'yung bomba sa paligid.

Tângina! Nasaan na ba 'yon?

"Okay, fine, no answer. Go to hell, bítch."

Pumikit ako dahil naramdaman kong dahan-dahan na niyang pinipindot 'yung trigger ng baril. This scene was familiar to me. Damn.

Pero hindi nito natuloy ang pagbaril sa akin nang makarinig kami ng putukan sa labas. Nagmulat ako ng mata. Panigurado ako 'yung mga men in black na 'yon. Sino naman ang kalaban nila?

"The fúck! Anong ginagawa ng apat dito?" Rinig kong bulong niya.

Apat?

Kung gano'n, sina Casper pala ang kalaban ng mga men in black sa labas.

Dahil na-distract siya sa apat na 'yon na nando'n sa labas, agad ko siyang pinatid sa paa. Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na baril at inagaw ko ang baril sa kanya. Sa isang iglap lang, nasa likuran na niya ako at tinutukan siya ng baril sa batok.

Baliktad na ang sitwasyon namin ngayon.

"Don't move or I'll shoot you." Seryosong sabi ko dito. Alam ko namang hindi nito mahahalata ang boses ko.

Akala ko matatakot siya sa banta ko, pero putángina lang talaga. Humarap siya sa akin at tinignan ako diretso sa mata nang walang anumang reaksyon.

Nataranta naman ako sa pagharap niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya agad kong hinila 'yung kurtina sa gilid ko at tinakip ang mukha ko, pero nakatutok pa rin 'yung baril na hawak ko sa kanya.

"I said, don't move, do you want to die?" Banta ko sa kanya pero binigyan lang niya ako ng walang emosyon na mukha.

"Go, shoot me. I dont care and why are you hiding your face? Natatakot ka bang makilala kita." Walang ganang sabi niya sa akin.

Hindi man lang siya natakot mamatay. He is indeed a Mafia, but what should I do? I need to escape from here.

"I'm not scared if you recognize me and as if you know me." Habang sinasabi ko 'yon, nilibot ko ang paningin ko at napadako 'yung tingin ko sa may gilid. Nakita ko 'yung dalawang briefcase sa pinagtataguan ko kanina.

Stalking The Ruthless MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon