Lahat yata ng balahibo ko ay tumindig nang marinig ko ang sigaw ni Draven. Para yata akong nalipad sa lakas ng apoy na ibinuga niya. Hindi rin ako makagalaw dahil sa gulat ko sa kanya at sa apat na narito ngayon sa loob.
Hindi yata ako pwede dito. Mukhang nadagdagan na naman ang kasalanan ko kay Draven. Sa mukha pa lang niya at tingin niya sa akin, parang ubos na talaga ang pasensya niya sa akin.
"Hey! I brought him here, so don't shout, will you?" Sabi ni Luna kay Draven at hinila niya ako paupo sa sofa na katapat kay Draven.
Oo sa tapat pa talaga niya. Shuta!
"Who told you to bring that annoying dimwit here? The fúck, Luna! Alam mong ayaw kong magpasok ng ibang tao dito, except you and the four idiots. Kaya bakit mo dinala ang baklang 'yan dito!" Nangangalaiting sabi ni Draven habang tutok na tutok pa rin 'yung tingin niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ko ang tingin ko sa dingding.
Napapansin ko lang. Nakakatakot siya kapag galit, nawawalan ako ng lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya kapag matalim na ang tingin niya sa akin.
Wait, what the fúck am I thinking? Ako? Takot sa kanya? Tsk!
"From now on, he is allowed to enter this rooftop. Besides, he is my new friend. So please let him in here, Draven, please!" Inakbayan ako ni Luna at nagpuppy eyes kay Draven.
"BULLSHÍT!!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Draven. Kumawala rin sa pag-akbay sa akin si Luna at tinakpan din ang tenga niya.
"Ouch! My ears!" Bulong ni Luna.
"Chill, bro."
"Relax lang, pre."
"Tángna! Basag eardrums ko nito."
Kanya-kanyang reklamo nina Casper, Dark, at Tyler. Hindi kasali si Ivan na prenteng-prente lang siyang nakaupo. Katabi ni Dark habang nakatingin sa kawalan, nasa malaking sofa din kasi silang apat at pinagigitnaan nila si Draven.
Si Ivan pala ang nakakita sa akin noon doon sa Hotel. Nakilala niya kaya ako? Pero parang hindi naman siguro.
Nabalik ang mata ko kay Draven. Hindi na lang ako umimik kahit gusto kong isigaw sa mukha niya ang mga katagang...
'TÁNGNA MONG ADIK KA! DAHAN-DAHAN NAMAN SA PAGSASALITA. NASA HARAPAN MO LANG KAMI TAPOS KUNG MAKASIGAW KA, WAGAS AH! I-UMPOG KITA DIYAN SA PADER EH!'
Pero dahil nga napipigilan ko pa 'yung pasensiya ko at inaalala ko pa 'yung mga kasalanan ko sa kanya, kaya pigil muna ako. Baka umalburoto ang Mayon Volcano dito kapag nakipagbakbakan ako ng sigaw sa kanya. Mahirap na.
"Draven, wala siyang kaibigan dito, and I like him as my friend. Sige na, pumayag ka na, ang bait kaya ni Ginger." Sabi ni Luna pagkatapos niyang maka-get over sa sigaw ni Draven.
Tama ang bait ko kaya, dahil sa sobrang bait ko, napigilan ko pa ang sarili kong 'wag sapakin si Draven. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo nito sa akin.
Nagulat ako nang tumayo siya at hinampas ang lamesa sa pagitan namin.
"Wala akong pakialam. Palabasin mo ang baklang 'yan or else I will be the one to drag him out of here." Mariin na sabi niya pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.
Sinundan ko siya ng tingin papalabas. Nang mawala siya sa paningin namin, napakamot na lang ako sa ulo ko sa kalituhan.
Alam niyo kung bakit ako nalito sa kanya. Kasi sabi niya, papaalisin niya raw ako dito sa rooftop dahil kung hindi, siya ang magpapalabas sa akin dito. Pero tignan niyo ang lalaking 'yon. Hindi pa nga ako nakakalabas, nauna na siyang lumabas. Ang tánga niya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Ruthless Mafia
ActionTHIS IS A BL STORY! Stalking, ano ba ibig sabihin niyan? Napakadali lang ba na gawin ang bagay na 'yan? Nakakamatay ba oras na sinimulan ko na? Magiging maayos ba ang lahat? Ano ba ang dapat kong gawin oras na pumayag ako sa utos niya? Lahat ba gaga...