MAY kumikiliti sa aking talampakan. May kung anong basa ang pumapahid dito. Unti-unting bumukas ang aking mga mata sa sensasyon. Bumungad sa akin ang puting kisame ng aking kuwarto. Medyo malabo pa ang aking tingin gawa ng aking pagtulog. Mula sa taas ay nilakbay ko ang aking mata patungo sa ibaba kung saan naroon ang mga paa sa dulo ng malambot na kama.
"Cholo?!" Natigilan ang aking alagang aso sa pagdila ng aking paa. Nakatingin lang ito sa akin. Kumunot ang aking noo at tinignan siya ng masama. "Paano ka nakapasok dito?" Nakatingin pa rin siya sa akin. Tila hindi nasindak sa aking mukha. "Ikaw talagang aso ka, lumabas ka nga rito."
Ilang saglit pa siyang tumitig sa akin pagkatapos ay tumalikod na. Sumasayaw-sayaw pa ang kaniyang puting buntot habang papalabas ng aking kuwarto. Napailing ako. Nilibot ko ulit ang tingin sa aking kuwarto. Medyo madilim pa ito. Patay ang ilaw. Nakasarado ang mga bintana. Nagkalat ang aking puting polo at itim na shorts sa sahig. Nakabukas ang pinto ng aking kuwarto. Napailing ako at napapikit nang sumakit ang aking ulo. Hayst, hangover na naman.
Para pa akong wala sa sarili na naka upo pa rin sa aking kama. Inabot ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking mga unan. Anong oras na ba? Binuksan ko ito. 12:53? Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Tanghali na pala? Dahil sa nakitang oras ay tumunog ang aking tiyan. Yup, tanghali na nga.
Nagswipe ako sa aking phone at binuksan ko ang messenger. Magpapasalamat muna ako kay Miko sa paghatid sa akin rito pauwi. Loading... Naghintay ako ng ilan pang segundo ngunit loading pa rin ang aking messenger. Bumuntong-hininga ako ng makitang walang wifi. Okay, that explains bakit patay ang ilaw dito sa kuwarto.
Inilagay ako ang phone sa aking kilid at tumitig sa labas ng kuwarto. Lumabas ang hangin mula sa aking bibig. Ganito talagang mga panahon mo maa-acknowledge ang halaga ng wifi kapag walang kuryente!
Kinuha ko ang kumot na nakabalot sa aking kandungan at tumayong nakaboxers lang. Inunat ko aking katawan. Pumasok sa aking mga tinga ang mga yapak papalapit. Ilang saglit pa ay narinig ko ang papalapit na tinig ni mama Melda.
Hindi pa man nakarating sa pintuan ay nagsalita na ito. "Felix, si Clifford nasa baba. Hinintay ka raw." Nakatayo na siya sa unahan ko. Nilibot niya ang tingin sa aking kuwarto, mula sa mga damit na nagkalat sa sahig, sa aking kama, at patungo sa aking mga itim na kurtina. Umiling siya. "Ikaw talagang bata ka."
Dumaan siya sa gilid ko at dumiretso sa aking likuran. Hinawi niya ang mga kurtina at binuksan ang bintana. Tumama ang gintong ilaw mula sa labas patungo sa aking hubad na katawan. Nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali kong hinablot ang puting kumot at tinakpan ang aking pang-ibaba.
Nakapameywang si mama Melda at tinaas ang kaliwang kilay. Tinarayan niya ako. "At sa akin ka pa talaga nahiya?" Natawa naman ako ng mahina. Hindi si mama Melda ang nagluwal sa akin. She is my yaya pero tinuring ko na siya, namin ng aking ate, bilang aking mama.
Pinulupot ko ang kumot sa aking beywang at ginaya siya sa pagpameywang. "Lumabas na nga po kayo, mama Melda." Naglakad naman ito palapit sa akin. "At pakisabi na rin po kay Ford na hintayin muna ako."
"Kanina pa 'yun naghihintay." Naglakad na siya papuntang pintuan ko. "Kaya bilisan mo na d'yan. Mahiya ka naman sa boyfriend mo." Tumawa na ito at lumabas ng kuwarto. Napailing ako.
Tinanggal ko na ang kumot na nakayakap sa beywang ko at muling umupo sa kama. Bumuntong hininga ako at hinaplos ang aking noo. Nawala na ang parang binibiyak na naramdaman ko. Umupo muna ako ng ilang saglit at muling tumayo.
Dinala ako ng aking mga paa sa pintuan ng aking banyo. At saktong pagpasok ko ay umilaw ang bombelya sa kisame. Wow. Saktong-sakto. Nagtungo ako sa maliit na sink at humarap sa salamin. Boom sabog. Ganiyan ang itsura ko ngayon. Parang mga ligaw na damo ang aking kulay rosas na buhok. Ang iba ay tinatakpan ang aking kilay at noo. May laway na natoyo sa gilid ng aking labi. Kaya ba hindi ako tiningnan ng maayos ni mama Melda?
Pinihit ko ang gripo at nagsilabasan ang tubig nito na baghang gumawa ng ingay. Dinikit ko ang aking dalawang palad at sumalo ng tubig. Sinaboy ko ito sa aking mukha. Kumuha ulit ng tubig at sinaboy ulit sa mukha. Napatingin ako sa salamin. Napangiti. Oh ayan! Gwapo na ulit.
Hinaplos ko ang aking pisngi. Doon naglakbay ang aking mga daliri sa pinkish red na marka sa pisngi ng aking balat. Para itong mapa. Parang isang arkipelago. Marka na nasa kaliwang pisngi ko. Ang marka ay mula sa gilid ng kaliwang mata pababa sa aking pisngi, hindi ito nakaabot sa aking baba. Ang iilan ay nasa isang bahagi ng aking ilong. Hindi ito dahil sa sunog. Ganito na talaga ito mula bata pa ako. This is my birthmark.
Noong bata pa ako ay ito ang sanhi ng mga pantutukso sa akin. Pero kalaunan noong lumaki ay ito ang dahilan bakit maraming maraming na-aatract sa akin. Hell yeah, this mark is one of the reasons why I'm popular at school. Imbes na mahiya ay mas lalo akong naging confident. Dahil sa confidence, marami akong naging karelasyon, babae man o lalaki. Yeah, another reason why I'm popular.
Unang girlfriend ko ay si Stacey. Campus queen kuno noong high school. She used to admire my mark pero noong hiniwalayan ko siya ay naging basher na siya ng mukha ko, hindi kami umabot ng one year. Mika also liked my mark, niligawan ko siya after Stacey pero ilang buwan din ay hiniwalayan ko na, plain boring. Fred, my last relationship sa high school, ang nagpamulat sa akin gaano kasarap magmahal ang kapwa lalaki, yeah hindi kami umabot ng one year, he cheated. Pagtungtong ko ng college, Bryan came. Kapwa ko varsity. Basketball player. Hindi kami umabot ng one year. Boring, not enough. Naging marahas nang nalaman niyang nililigawan ako ni Ford, kapwa niya basketball player.
Umalis na ako sa harap ng salamin at nagpunta sa tapat ng shower nang malala kung sino ang naghihintay sa ibaba. Well, how do I describe Ford? Well... he is okay. Bumuntong hininga ako. Hindi kami aabot ng anniversary.
Binaba ko ang aking boxers at sinipa ito sa kilid. Binuksan ko na ang shower at tumama ang malamig na tubig sa aking mukha pababa sa aking hubad na katawan. Hangover plus cold shower? Hindi ako aabot ng 21 nito.
NANG makuha ko ang denim jacket ay sinara ko na ang aking cabinet. Inayos ko ang denim jacket at sinapaw ko sa puting sleeveless na suot ko. Dinukot ko ang cellphone na nasa kama at nilagay sa bulsa ng shorts ko. Kumuha ako ng suklay at inayos medyo basa pang kulay rosas na buhok ko.
Naglakad ako palapit sa shoe rack na nasa gilid ng pintuan. Pinili ko ang puting sapatos ay sinuot sa aking mga paa. Tumingin muna ako sa buong kuwarto. Pinindot ko ang switch sa pader para mapatay na ang ilaw. Bumuntong hininga ako at sinara ang pinto ng kuwarto.
Dinala ako ng mga sariling paa sa hagdanan. Nang nasa tuktok na ako ay nakasalabong ko si Dad. Maayos ang suot niya at porma. Nagtama ang aming mga mata. Humakbang na ang isa kong paa sa hagdanan.
Huminto siya nang maglapit kami. "Kanina ka pa hinihintay ni Clifford," paalala niya sa akin. As if hindi ko alam.
"Okay, Dad." Isa-isa nang humakbang ang aking mga paa pababa ng hagdanan.
Hindi pa man nakakarating sa sala ay dinig ko na ang boses ni Ford. Tila kinakausap niya si Cholo. Naglakad ako papuntang sala at doon nakita ko si Ford. Nakaupo sa sofa namin habang nilalaro si Cholo na tumatahol naman ng mahina. Lumapit ako sa kanila. Mukhang naramdaman naman ni Ford ang presensya ko dahil lumingon ito sa akin.
Ngumiti ito. "Good morning, Lix."
Ngumiti rin naman ako ng tipid at tiningnan si Cholo na ngayon ay lumukso mula sa sofa at umalis. Mukhang ayaw niya sa akin ngayon ha. Ang moody. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Ford na ngayon ay inaabot na niya ang dalawang saklay na nakasandal sa sofa. Sinuot niya ito sa ilalim ng mga balikat. Ginabayan siya nito sa pagtayo.
"Tara, gutom na ako." Tumawa siya ng kaunti at ngumiti.
Tinanguan ko siya at lumapit bahagya. "Tara."
Nasa gilid niya ako habang papalabas na kami ng bahay. Bumuntong hininga ako. Okay na siguro ang 8 months namin together?
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...