INABOT ni Ford ang hawak na 50 pesos sa kahero. Tinanggap ito ng lalaki at kumuha ng ilang pirasong token sa kaniyang desk. Binigay niya ang mga ito kay Ford."Long time no see po. Basketball na naman, mga kuya?" Nakangiti ang lalaki sa amin.
"Syempre naman." Ngumisi si Ford. "Lalamangan ko pa ang record ko. 'Di ba?" Lumingon si Ford sa akin. Tumango ako.
Tumawa ang lalaking nasa harap namin. Pekeng tawa. Panakaw-nakaw ito ng tingin kay Ford. Alam ko ang tumatakbo sa kaniyang isip, pareho kami. Nakatingin parin ako kay Ford, akap ng mga braso ko si Cholo .
Ngumiti si Ford. Binuka niya ang kanang kamay at nilahad ang token sa akin. Umiling ako. "Ikaw nalang." Tumango naman si Ford bilang tugon.
Naglibot na kami. Mabagal ang aming paglalakad gawa ng sitwasyon ni Ford. Maraming tao rito sa arcade. Bata, parents, high school students, mga kaedad ko ay nandito. Nilibot ko ang tingin sa mga machines. Masarap sa mata ang makukulay na lights na nagkalat sa paligid. Pula. Dilaw. Kahel. Lila. Asul. Hindi rin nakaligtas ang mga ingay ng machines sa aking tainga.
"Nakakamiss pumunta rito." Nilingon ko si Ford. May ngiti sa kaniyang labi. Nakatingin siya sa paligid at hindi sa akin.
Tumango ako. "Pero palagi naman tayong dumadaan dito pagkatapos ng klase."
Tumango si Ford. "Pero hindi na simula nang nagkaganito 'to." Nakatingin si Ford sa kaniyang kaliwang paa. Balot ito ng puting bandage.
Tumango ako bilang sang-ayon sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa paglibot dito sa silid. Sa aming paglalakad ay nahagip ng mga mata ko ang mga nagtatakbuhan na dalawang bata. Natigilan ako. Mabilis ang pangyayari. Awtomatikong inakap ng isa kong braso si Ford. Biglang nasagi ng isang bata ang saklay ni Ford pero hindi na nawalan ng balanse si Ford dahil sa pagkakaakap ko. Napabuntong hininga ako. Muntikan na.
Bumuntong hininga si Ford habang inaayos namin ang sarili niya. "Muntikan na." Humawak siya sa kaniyang dibdib. "Galing mo d'un ha, Lix," may kaunting tawa ang lumabas sa kaniyang bibig. "Thank you," dagdag pa niya. Kita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Nakangiti ito sa akin. Napangiti rin ako.
Tinanaw ko ang mga batang tumatakbo. Medyo malayo na sila sa kinatatayuan namin. "Nasaan ba ang mga magulang n'un? Hindi man lang binantayan," mahina kong sabi. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hayaan mo na. Para sa mga bata naman ang lugar na 'to."
Bumuntong hininga nalang ako. "Oo naman, pero responsibelidad parin ng mga magulang na bantayan ang mga anak nila." Nasa tapat na kami ng isang claw machine. Bumuntong hininga ako. "Pero may mga bata talagang pinanganak na makukulit at annoying."
Tumawa siya nang mahina at huminto sa paglalakad. Napahinto rin ako. "Kaya ba ayaw mong magkaanak?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. Nabawasan ng tamis ang ngiti niya. Tumingin siya sa claw machine. Ganoon din ang ginawa ko. Nakita ko ang mga makukulay na stuff toys sa loob. "Ako, gusto ko." Nilingon ko si Ford. Nakatingin siya sa akin. "Pero ikaw pa ang priority ko ngayon." Nilipat niya ang tingin kay Cholo. "At tsaka si Cholo. Kayo ni Cholo." Nakangiti niya akong tiningnan ulit.
Bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. Lakas makaasawa ah.
"Oh ba't ka natatawa?" tanong niya pero alam kong natatawa na rin siya.
Humakbang na ulit ang aking mga paa. "Ewan ko sa'yo, Ford." Sumunod naman siya sa akin. "Maglaro ka na nga lang."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Sus, excited ka lang talagang makita akong magshoot." Nilingon ko siya. Ang laki ng ngisi ng loko. Bumuntong hininga ako at umiling. Ayan na naman siya.
Ilang saglit pa ay dinala na kami ng mga paa sa usual spot namin. Narating namin ang sulok ng arcade kung saan nakapuwesto ang apat na naglalakihang basketball arcade machine. Awtomatikong pumuwesto ang sarili ko sa pinakagilid habang siya naman ay nasa tabi ko. Tumukod ang isa kong kamay sa riles ng makina at tiningnan siya. Tiningnan niya rin ako. Akap ko parin si Cholo na ngayon ay mukhang gusto na matulog.Naghulog ng isang token si Ford at unti-unting tumunog ang makina. Bumukas ang riles na nakaharang sa mga bola at nagpadausdos ang mga kahel na bola papunta sa kaniya.
Sumandal ako sa makina. Tiningnan ko si Cholo. Nakatulog na siya, mukhang hindi antala sa kaniya ang ingay ng lugar.
"Lix, watch me. Kaya ko, kahit one hand at one leg pa." Tiningnan ko si Ford. Tumawa siya bago sinandal ang isang saklay sa riles ng kaniyang nilalaro habang ang isa naman ay nanatili lang sa kaniyang kaliwang kilikili, inaalalayan ang kaniyang katawan. Tinaas niya bahagya ang nakabandage niyang paa. Bumuntong hininga ako. Ayan na naman siya. Pasikat na naman.
Isa-isa na niyang shinoot ang mga bola sa ring. Medyo mabagal nga lang siya ngayon kumpara noon.
Kinuha ko ang tingin mula kay Ford at nilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Marami paring mga tao ang naglalaro rito. Natigilan ako nang makitang may magjowang naglalandian. Napangiwi ako nang wala sa oras.
Binalik ko ulit ang tingin kay Ford. Focus na focus siya sa pagshoot ng bola. Tinanaw ko ang score niya. Nasa 10 na ito. Not bad.
Mula sa score display ay bumaba ang tingin ko sa katawan ni Ford at sa paa niya. Nakatutok na ako sa injured niyang paa. Napasinghap ako. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mukha. Tanginang Bryan 'yan.
Huminga ako ng malalalim at muling tiningnan si Ford. Focus parin sa laro. Umiling ako. It was me kung bakit injured siya ngayon. Well, partly dahil sa akin.
"Oh nakatulala ka diyan." Hindi ko namalayang natapos na ang dalawang minutong paglalaro ni Ford. May hawak siyang bola. "Alam ko naman na magaling itong boyfriend mo." May ngisi sa kaniyang labi. Shinoot niya ang huling bola. Walang sangit. Diretsong pumasok sa ring.
"Naalala ko ang ginawa ni Bryan sa'yo," pag-amin ko sa kaniya. Natigilan naman siya at tiningnan ako. "Ford, sorry. Kaya siguro ginawa niya 'yun dahil trinigger ko s'ya."
Nagtagbo ang mga kilay ni Ford. "No, Felix. It was him. It was his pride and ego. Wala kang kasalan." Napatango ako sa kaniyang sinabi. "And besides, hindi na natin kasalan no na hindi pa siya nakakamove on sa'yo," seryoso niyang sabi.
Tumawa naman ako ng marahan. "Ikaw kasi, inagawan mo ng title... at boyfriend."
Nakita ko ang marahan niyang pagtawa. "Sira. Nagmake move ako, wala na kayo."
"Ikaw ang nagmake move or si Darwin?"
Tumawa siya at umiling. "It was still my plan, you know."
Umiling na lang din ako at tumawa. Natigilan ako nang unting lumapit si Ford. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko. Napaatras naman ako sa kaniyang ginawa. Naramdaman ko ang matigas na dingding sa aking likod.
"Alam mo naman siguro na ang cute mo pagtumawa 'di ba?" Unti-unting sumulong ang kaniyang mukha.
Napalunok ako. "Ford, huwag dito. Ang daming tao."
Nagkalapit pa ang aming mga mukha. Tatlong pulgada lang ang layo. Umiling ako. Napabuntong hininga naman siya at umatras. Nakita ng mga mata ko ang iilang tao na nagtitinginan sa amin.
Tiningnan ko si Ford. May kaunting ngiti sa kaniyang labi. Hindi matamis, may kaunting pait. Alam ko ang iniisip niya. Noon, hinahayaan ko siya sa gusto niya kahit nandito pa kami.
Tumingin siya kay Cholo. Mahimbing na itong natutulog sa braso mo. "Tara sa apartment? Pahinga muna tayo?"
Tumango ako. "Sige."
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...