Hi, Felix! Kumusta? Ako? Okay lang. Ito, I'm having the best day of my life. It's been a while no? Ilang years na ba since that accident? 4 years ata. At ngayon graduate ka na! At marami na rin ang nagbago.
Ngayon, I'm sure nagpaplano kang hiwalayan si Ford. Yeah, I know. Alam ko. Kasi ang dali mong ma-bored sa relationship, hindi ba? Tapos ib-blame mo pa ang Dad mo kesyo ginagaslight ka eh ang totoo naman ay ikaw ang problema. Ikaw ang problema, Felix. Ang dali dali mong ma-bored sa relationship. Hindi pa man nakakaabot ng anniversary ay hinihiwalayan mo na kaagad?? Hindi mo man lang naaappreciate efforts ng mga partner mo, lalong lalo na si Ford. Pero gusto kong baguhin mo 'yan. Gusto kong maappreciate mo ang mga tao sa paligid mo. Si Dad, Mama Melda, Ate Fe, Ford. Lahat sila.
Si Dad. Alam ko, may pagka istrikto 'yon, pero gusto niya lang mapunta ka sa magandang buhay, at mapunta ka sa tamang tao, tamang tao na magmamahal siya. Si Ate Fe. Very supportive sa'yo. Si Mama Melda, na palaging nandiyan para sa sa'yo since day one. At kay Mama naman, I hope she may rest in peace. Kay Frank and Jay na ang kukulit, well, sa ngayon hindi mo pa namimeet si Jay pero always love your little brother ha. Half or pure, walang pinipili 'yan.
Kay Ford, of course, alam kong sinanay ka na niya. Sinanay ka niyang ihatid-sundo sa campus. Sinanay ka na sa sweetness niya. Nasanay ka na sa mga efforts niya, sa support niya. Sanay ka na sa mga date niyo sa Castillo Grills at Arcade. Yeah, I know. Paulit-ulit, pabalik-balik sa lugar. Nakakabored. Pero 'yan ang the best part 'di ba? Na consistent kayo.
Alam kong gusto mo siyang hiwalay, pero (spoiler) nandito ka ngayon sa beach, kasama siya. ;)
Okay, I get it, dadating ang panahon na ma-bobored ka sa isang relationship, na nawawala na'yung heat, 'yung spark. May ganiyan talaga. Kaya ito makinig ka ha. Always isipin mo nang pag-ulit-ulit-ulit-ulit, para sa ganun mas ma appreciate mo siya, ang mga kilos niya, ang mga efforts niya sa'yo. Mas ma-realize mo na baka siya ang perfect person para sa'yo, na you will stay together for a long time or even forever. I swear, you'll realize that if you're older.
And nga pala, si Cholo? Nandito ngayon sa tabi mo naglalaro sa puting buhangin. Saksi talaga ng asong ito ang pagmamahalan niyo ni Ford. Well speaking of him, ito umahon na mula sa dagat, basang-basa, and yeah mas lalo siyang sumarap ( Salamat, G! hindi ako nakipagbreak-up!). Syempre hindi na injured ang kaniyang paa, nakakalakad na ng maayos. Kaya bye na, titig na titig na siya sa akin. Hayst! Mukhang ako naman ang hindi makakalakad ng maayos nito bukas.
Bye na at ayusin mo 'yang desisyon mo sa buhay!
Love,
Older, wiser, at mas gwapong Felix.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...