17. FELIX

54 7 2
                                    

    "Thank you," sabi ni Ford nang matanggap ang tokens.

    "You're welcome, mga sir." Nakangiti ang kahero sa harapan namin. "Pero sure po kayo 'yan lang ang bibilhin n'yong token? Baka mabitin kayo."

    Tumawa ng mahina si Ford. "Yes... and actually pupunta kami sa concert mamaya so hindi rin kami magtatagal dito."

    "Ah ganun po ba?" Tumatango ang lalaki. "Kitakits po pala mamaya."

    Napangiti ako. "Sige, kitakits."

    "See you when we see you."

    Nagpaalam na kami sa lalaki at umalis. Habang naglalakad papunta sa paboritong tambayan ni Ford, nilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng arcade. Madami ring mga tao ang naglalaro dito. Bata, parents, high school students, mga kaedad ko ay nandito. Nagsiputukan ang mga tunog at musika na nilikha ng mga makita sa buong sulok ng silid. Nagkalat ang mga neon lights. Pula. Dilaw. Kahel. Lila. Asul. Maraming machines. At napailing ako sa mga nakitang mga magjowang naghaharutan.

    "Dito muna tayo, Felix."

    Marahan akong nagulat nang lumihis ng landas si Ford. Imbes na sa basketball machine ay pumunta siya sa malapit lang ding machines. Nakahilera ang mga parang computers. Una siyang umupo at tumabi naman ako sa gilid niya. Pinatong ko si Cholo sa aking lap. Bumungad sa amin ang larong The Adventures of Marie. This is a parody ng sikat na Nintendo game. Matagal ko na ring hindi ito nalalaro.

    "Felix, oh." Nag-abot si Ford sa akin ng ilang token.

    Tinanggap ko ang mga token at inalagay sa bulsa, nagtira ako ng isa at hinulog sa coin slot. Napabuntong hininga ako. I'm sure maiinis na naman ako sa larong 'to.

    "GAME OVER. INSERT TOKEN TO RESPAWN." Muntik ko na madurog ang buttons. Pang tatlong token ko na 'to.

    "Easy, Lix." Narinig kong tumawa si Ford. Nilingon ko si Ford. Focus ang mata sa laro habang ang ngisi sa akin.

    Tumingin ulit ako sa screen. Bumuntong hininga ako. Ayoko na.

    "Respawn ka ulit, Lix para sa goal."

    "Ayoko na. Nakakabored." Sumandal ako sa silya. "May katapusan ba 'tong adventure ni Maria?"

    Narinig kong tumawa si Ford. "I know you know na meron. Halika watch me, malapit na ako."

    Umusog ako ng kaunti palapit sa kaniya. Nakatutok pa rin siya sa screen. Nagpipindot ang mga daliri. Tumatalon, tumatakbo, umiiwas si Marie then boom nakaapak ng landmine.

    Napamura si Ford.

    "Oh 'di ba?" Natawa ako. "Walang katapusang adventure."

    Tumayo na kami at nagpunta sa usual spot namin. Awtomatikong pumuwesto ang sarili ko sa pinakagilid habang siya naman ay nasa tabi ko. Tumukod ang isa kong  kamay sa riles ng makina at tiningnan siya. Tiningnan niya rin ako. Akap ko parin si Cholo na ngayon ay mukhang gusto na matulog.

    Naghulog ng isang token si Ford at unti-unting tumunog ang makina. Bumukas ang riles na nakaharang sa mga bola at nagpadausdos ang mga kahel na bola papunta sa kaniya.

     Sumandal ako sa makina. Tiningnan ko si Cholo. Nakatulog na siya, mukhang hindi antala sa kaniya ang ingay ng lugar.

    "Lix, watch me. Kaya ko, kahit one hand at one leg pa." Tiningnan ko si Ford. Tumawa siya bago sinandal ang isang saklay sa riles ng kaniyang nilalaro habang ang isa naman ay nanatili lang sa kaniyang kaliwang kilikili, inaalalayan ang kaniyang katawan. Tinaas niya bahagya ang nakabandage niyang paa.

    "Sige nga, pagma-beat mo ang high score may premyo ka sa'kin mamaya."

   Ngumisi si Ford. "Easy."

    Umiling ako. I'm sure hindi niya kaya ngayon.

    Isa-isa na niyang shinoot ang mga bola sa ring. Medyo mabagal nga lang siya ngayon kumpara noon.

    Kinuha ko ang tingin mula kay Ford at nilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Marami paring mga tao ang naglalaro rito. Nakita ko rin ang isang babaeng lumapit sa isang basketball machine na katabi ni Ford. Sa palagay ko teenager pa 'to, high schooler.

    Binalik ko ulit ang tingin kay Ford. Focus na focus siya sa pagshoot ng bola. Tinanaw ko ang score niya. Nasa 10 na ito. Not bad.

    Mula sa score display ay bumaba ang tingin ko Ford, sa maayos niyang buhok, sa matangos niyang ilong, sa mga matalim at singkit na mga mata, sa labi niyang ilang araw ko nang hindi nalalasap. Unti-unti kong naramdaman ang pagtibok ng puso, at kasabay nito ang kaunting pag-init sa katawan.

    "Oh nakatulala ka diyan." Napakurap ako at tinikom ang bahagyang nakausli na mga labi.   "Alam ko naman na magaling itong boyfriend mo." May ngisi sa kaniyang labi. Shinoot niya ang huling bola. Walang sangit. Diretsong pumasok sa ring.

    Tiningnan ko ang score. 12.

    "12? 'Yan lang ba ang kaya ng one leg one arm mo?" Umiling ako. "Kahit ako kayang doblehin 'yan."

    Napangisi si Ford. "Yeah?"

    "Yeah." Ngumiti ako, may pang-aasar. "Hold my dog." Inabot ko sa kaniya si Cholo. Napasinghap ako, may iba siyang inabot, ang bagay sa gitna ng shorts ko. "Gago, hindi 'yan."

    Tumawa naman siya. "Laki ha," pagkasabi ay sumandal siya sa machine at kinuha si Cholo.

    Umiling nalang ako at kumuha ng token sa bulsa. Naghulog sa slot nito at umandar ang makina. Dumausdos ang mga bola. Isa-isa kong kinuha ang mga iyon at shinoot sa ring. Kuha, shoot, kuha, shoot. 'Yan lang ang ginawa ko sa dalawang minuto.

    Hinarang na ng riles ang mga bola. Tapos na ang dalawang minuto. 23. Napangisi ako. Nilingon ko si Ford. "See?" Krinus ko ang aking mga braso. Lumapit ako sa kaniya, nakangisi pa rin. "Ako ang MVP."

    Hindi umiimik si Ford. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. Natigilan ako. Alam ko ang kaniyang gagawin. Tinulak niya papalapit ang kaniyang mukha sa akin. Hahalik na sana siya ng may nagsalita sa hindi kalayuan.

    "Tigilan n'yo nga iyan. Bawal 'yan dito... mga bakla."

    Kahit humina ay dinig ko pa rin ang huling salita. Natigilan kami ni Ford. Hinanap ang may-ari ng boses. Napalunok ako. Doon nasipat ko sa machines na nilaruan namin kanina. Lalaking nakaupo. Peter? bulong ko sa sarili.

    Nakatingin din si Ford, umiigting ang panga. Kung hindi lang siya pilay ngayon sure na may matutumba sa silya. Akmang sasagot ako nang may nagsalita.

    "Ikaw ang bawal dito. HOMOPHOBIC." Napatingin ako sa gilid ni Ford. 'Yung teenager na babae kanina. Irita na ang kaniyang mukha. Lumingon siya sa amin. "Ituloy n'yo lang 'yan mga kuya," muling bumalik ang kaniyang tingin kay Peter, "Bawal homophobic dito."

    Hindi ako nakaimik, hindi rin si Ford. Medyo naguguluhan na ako. Pinagtitinginan na kami ng iilan dito. Sasagot na sana si Peter nang may humila sa kaniya. Nakita ng mga mata ko ang lalaki, ang nagbigay sa amin ng token kanina. Hinila niya palabas si Peter. Mukhang aangal pa ang loko pero kalaunan ay nagpadala nalang sa paghila.

    Nailing nalang ako sa pagkadismaya at nagpasalamat kahit papano dahil inalis na ng mga tao ang tingin sa amin.

    "Salamat," ang tanging nasabi ko sa babaeng katabi ni Ford.

    "You're welcome, mga kuya." Ginawa niyang pamaypay ang dalawang kamay. Pinapahinahon niya ang pamumula ng mukha. Bumuntong hininga siya at ngumiti. "Pwede n'yo na pong ituloy."

    Napaawang ang bibig ko. Tumawa naman si Ford. At napatakip ng bibig ang babae. "Sorry, po. BL fan kasi."

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon