PUMARADA na kami at pumunta sa entrance na may nagbabantay na mga pulis, dito sa may malaking sementong krus. Kaunting pila lang at kami na ang ininspect at kinapkapan ng mga pulis. Narinig ko pa ang isang ginang na nagtanong kung kailangan pa ba nito, dahil payapa naman na ang Dipag at wala namang mga malubhang krimen ang nangyayari rito. Pero sinabihan siya, at kami, na utos daw ito ni Mayor. Well, para sa akin din para maibsan ng kaunti ang pag-alinlangan.
Nakapasok na kaming dalawa ni Ford sa boulevard. Mula rito sa malaking krus ay bumungad agad sa amin ang malawak na seawall, mga tao, at ang dagat. Tumawid kami at nagpunta sa seawall. Kami lang dalawa, inuwi namin kanina sa bahay si Cholo. Hassle na kapag nandito na kami at babalik pa ulit sa bahay.
Palakadlakad lang kami rito sa sementong daan, sa gilid namin ay ang asul na dagat. Maraming tao rito. May bata, matatanda, parents, magkakaibigan, mag jowang gaya namin ni Ford.
"You heard the story of Felipe?"
Napatingin ako kay Ford. Nasa akin don ang kaniyang tingin. "Hindi pa, sinong Felipe?" Ang tanging sagot ko lang pero sa kailaliman ng utak ko ay naglalaro ang ngalang Felipe. Familiar. Palagi kong naririnig pero it's odd, hindi ko maalala kung saan at kailan ko narinig.
Lumingon siya sa dagat. "Dito. 'Yung lalaking palaging nalulunod dito." Mukhang hindi siya makapaniwala sa akin. "It's a famous story, Felix."
"'Namatay ba siya rito?"
Natigilan naman agad ako sa tanong ko. Noon kinikilabutan ako tuwing magkukwento tungkol sa patay, pero ngayon puno na ng kuryusidad ang buong kaluluwa ko.
Tumawa si Ford. "Hindi. Ang lover niya ang namatay dito."
Hindi ako umimik kaya nagsimula na siyang magkuwento. Patuloy pa rin kami sa paglalakad at patuloy pa rin siya sa pagkuwento sa akin tungkol kay Felipe, tungkol sa kasintahan niya, tungkol sa kung paano siya palaging nagpapalunod dito, at kung paano rin siya paulit-ulit na nabubuhay. Hindi ako umimik. Pinapakinggan ko lang siyang magkuwento. Hindi ko alam kung totoo 'to o hindi. Pero gustuhin ko mang magulat at magreact ay hindi ko magawa. Parang narinig ko na ito na, pero para ring wala. Medyo magulo na ang isipan ko ngayon kaya nag-iba ako ng kuwento, tapos na rin naman siya.
"Eh, 'yung babae diyan sa Santa Cross. Narinig mo na ba ang kuwento niya?" Tanong ko kay Ford na ngayon ay napaisip. Umiling siya kaya nagpatuloy ako, nasa unahan ang tingin ko habang nagkukuwento. "Noon daw ay may paparating na tsunami dito mismo at..." napalingon ako kay Ford, kuhang-kuha ko na ang atensyon niya, napatawa ako ng lihim, "at may babae diyan sa cross na kumakaway, kinawayan ang tsunami kaya ayun humupa at nawala."
"Hindi ko narinig ang story na 'yan."
Tumawa ako. "Of course, gawa-gawa ko lang 'yun," sabi ko. Mukhang nadismasya naman siya at umiling. Napabuntong hininga na lang ako.
Patuloy pa rin sa paglalakad ay tiningnan ulit ako ni Ford. "Pero yeah, almost all of the stories were made up," sabi niya. Tumango naman ako. "Pero hindi rin natin ma deny na may sariling kwento itong Dipag Boulevard, lalo na 'yan." Tinuro ni Ford ang dagat, ang malawak nakakalunod na dagat.
Habang naglalakad ay natanaw ko ang mga naglalaro sa tapat nitong seawall, isang karsada ang pagitan. Huminto ako kaya napahinto rin si Ford. Humarap kami at nakita ang dalawang sports na nilalaro outdoor, ang dalawang sports na nilalaro rin namin, basketball at sa gilid ay badminton.
"Tara." Ramdam ko ang kaunting excitement ni Ford.
Tumango ako. "Tara."
Tumawid kami sa karsadang wala ng sasakyan na dumadaan. Tumabi kami sa ilang nanonood nitong basketball. Parang casual lang ang naglalaro, hindi naka jersey at hindi intense ang laban. Napalingon ako sa kabilang dako, at 'yun, 'yun ang intense. Tumibok ng mabilis ang puso ko sa excitement. Ilang araw na rin akong hindi nakakapaglaro ng badminton. Parang ang sarap na humampas ng shuttlecock.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...