10:21 AM. Iyan ang nasa screen ng cellphone ko ngayon. Malapit na mag tanghali. Nakaupo ako ngayon sa kama, nakasandal ang likod sa headboard. Tatawagan ko ba si Ford? Kakanselahin ko ba ang date namin? Hindi nalang pupunta sa concert? Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam.
Habang nag-iisip ay pumasok sa boses ko ang mga tinig sa labas, si Frank, at si ate. Hindi pa man sila nakakalapit ay pinawi ko muna ang kaunting basa sa aking pisnge.
"Tito." Unang pumasok si Frank. Tumakbo siya papalapit sa kama. Hindi pa man nakakarating si Ate sa loob ay nasa kama ko na si Frank, katabi kong umuupo. Ngitian ko ang pamangkin ko.
"Felix." Pumasok na si Ate sa loob ng kuwarto ko. Tinanguan ko naman siya. Nagpunta siya malapit sa study table ko at umupo sa silya paharap ko.
Tinuon ko ulit ang atensyon kay Frank. Ginulo ko ang kaniyang buhok. Hawak niya ang cellphone ko ngayon. "Pahiram, Tito," pakiusap niya.
"Wala akong games pero soge magdownload ka nalang," sabi ko sa kaniya.
"Walang wifi," tugon niya. Napatango ako at tiningnan ang light bulb. Brownout pa rin.
"Sige 'yung dinosaur na lang ang laruin mo," sabi ko sa kaniya. "Ay wait pahiram muna." Ibalik ni Frank ang cellphone ko. Ididelete ko muna ang mga history ko. At nag browse, walang internet, lumabas ang dinosaur. "Oh," sabi ko at binigay kay Frank ang cellphone. Naglaro naman na siya.
"Felix." Napatingin ako kay Ate. Bumuntong hininga siya. "Pagpasensiyahan mo na si Dad."
Napakagat ako sa ibabang labi. "Ate," bumuntong hininga muna ako. "Naniwala ka kay Dad kanina?"
Hindi muna umimik si Ate, siguro nag-iisip ng isasagot, ng tamang isasagot. Ilang saglit pa ay tumango siya. "Oo." Ngumiti siya ng tipid. "At alam kong may girlfriend si Dad," dagdag niya. Hindi ako nagsalita, parang ako mismo ay ideya na. "Pero hindi ko sinabi sa'yo at hindi rin alam ni Dad na alam ko. Naghihintay lang ako na siya mismo ang mag-open up sa atin," sabi ni ate at hinaplos ang braso ko. "Kaya, Felix, sana matanggap mo sila."
Hindi ako nagsalita. Tanging tango lang ng marahan ang naitugon ko. "Ate. Totoo ba na pareho kami ni Mama?" tanong ko kahit ngayon ay alam ko ang sagot.
"Na maganda?" sinagot niya ng tanong ang tanong ko. Napangiwi ako. Tumawa naman siya ng kaunti. Tumigil muna siya at nag-isip ng isasagot. "Uhm yes."
Napapikit ako ng ilang saglit. Iba talaga kapag sa'yo mismo ikoconfirm. "Pero si Dad, kapag may boyfriend o girlfriend tayo ay palagi niyang sinasabi na we deserve someone better. Maybe 'yun din ang reason bakit agad kung hinihiwalayan ang mga jowa ko."
Napasandal si Ate sa silya, mukhang hindi makapaniwala sa rason ko. "Jusko naman, Felix. Sinabi ni Dad iyon pero at the end of the day it's still your decision. Biniblame mo pa si Dad ha," bahagya siyang tumawa at agad ding tumigil at napaisip. "Pero it's still a good advice for you, I mean tingnan mo ako," nilawakan niya ang dalawang braso na parang tatanggap ng malaking yakap, "walang asawa."
Napailing ako, hindi ko gustong tumawa. "Pero ate, I'm sorry pero ano, hindi naman ako mabubuntis kagaya mo."
"Exactly. Hindi ka mabubuntis pero protective pa rin si Dad sa'yo. Ayaw ka rin niyang masaktan. He loves us regardless of gender." Ngumiti siya. "Pantay-pantay niya tayong mahal."
Napangiti ako at pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata. Tiningnan ko si Frank na naglalaro pa rin. Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya. Ako, kami ni Dad, ang magtatayong ama niya.
Tinawag na ni Ate si Frank. "Oh, Felix, aalis na kami at magready ka diyan baka dadating si Ford."
Natigilan ako. "Ate, bakit mo alam?"
Mukhang natigilan din siya at napaisip. "Hindi ko alam, siguro nag-assume lang ako na pupunta kayo ng concert mamaya?"
Napatango ako sa sagot niya. May point.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...