"FORD, diyan ka lang muna."
Inalis ko ang seat belt na nakayakap sa akin. Gamit ang isa kung kamay ay kinuha ko si Cholo mula sa gilid ko. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at agad na lumabas. Sa paglalakad ay natanaw ko ang campus sa hindi kalayuan. Tahimik ito. Tila nag-iimbita. Napangiti ako ng marahan. Tinanaw ko si Ford. Naroon pa rin sa loob, nakatingin sa akin, nakangiti pero medyo naguguluhan. Umiling na lang ako at papuntang side ng kotse.
Pagdating ko roon ay binuksan ni Ford ang pinto. Nilabas niya ang dalawang saklay at nilagay sa ilalim ng kaniyang mga kilikili. Ginabayan ko siya sa paglabas ng kotse. At nang makalabas ay inayos niya ang sarili. Inayos niya ang manggas ng kaniyang suot na polo, inayos niya rin ang kuwelyo. Inayos niya rin ang kaniyang buhok kahit hindi naman nagulo. Napailing ako. Paporma ha.
"Thank you, Lix," pasalamat niya sa akin. Mga mata ay nangungusap.
Ngumiti ako. "Always welcome, Ford." Pagkabi ko ay lumawak naman ang ngiti niya. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito ang rason kung bakit ko siya gusto.
Mula pa lang sa posisyon namin ay nalanghap na ng aking ilong ang bango ng mga inihaw na karne. Napasinghap ako nang kumalam ang aking tiyan.
"Tara na," sabi ni Ford kaya tumango ako.
Pagpasok pa lang ng Castillo Grills ay lalo akong nagutom. Awtomatikong nilibot ng mga mata ko ang loob ng kainan. Kaunti pa lamang ang nandito. Hindi gaanong matao.
"Order na tayo, Felix." Napalingon ako kay Ford. Tumango ako at sinamahan siya sa pag-order.
Pagdating namin sa counter ay bumungad sa amin si ate Joan. Nakangiti. Suot niya ang itim na uniporme at may puting cap sa ulo.
Nginitian ko rin siya.
"As usual, mga sir?" tanong niya. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Ford.
Napalingon ako kay Ford. Nakatingin din siya sa akin. Ang mukha ay parang nagtatanong. Tumango ako bilang sagot.
"As usual, ate Jo," rinig kong sabi ni Ford. "Same price pa rin naman 'di ba?" Tiningnan ko si Ford at hawak na niya ang kaniyang wallet.
Nakatingin ako sa kamay ni Ford na may dinukot na 500 pesos. Tiningnan ko ulit siya. "Ford, ako naman," sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa akin.
Inabot na ni Ford ang bayad kay ate Joan. "Felix, ako ang nang-invite sa'yo," nakangiti niyang sabi sa akin. Napangiti rin ako. Isang rason kung bakit ko siya gusto.
Ngumisi ako. "Sige pero babawi ako sa'yo mamaya." Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti, hindi inalintana si ate Joan sa aming harapan. Nakita ko naman ang marahang pagbuka ng kaniyang malambot na labi. Napangiti ako. Patay 'yan sa'kin mamaya.
Pagkatapos masuklian si Ford ay naglakad na kami papunta sa pwesto malapit sa entrace.
"Sure 'yan ha?" Narinig kong bulong ni Ford. Napangisi ulit ako ng bahagya.
Pagdating ay unang umupo si Ford. Sinandal niya ang dalawang saklay sa dingding. Umupo ako sa silyang gawa sa kahoy. Kapat niya ako. Sa gitna namin ay nakapuwesto ang parisukat na mesa. Brown at fully polished. Sa ibabaw ay may lalagyan ng tissue, sawsawan at sili.
Kinuha ko ang isang silya at nilagay sa gilid ko. Doon ko nilagay si Cholo. Nagpasalamat naman akong hindi siya gaanong makulit ngayon.
Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa para kunin ang cellphone at nilapag ko ito sa lamesa. Malayo kay Cholo, sure akong ngangain niya ito.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...