6. FELIX

80 8 0
                                    


    INABOT ni Ford ang hawak na 50 pesos sa kahero. Tinanggap ito ng lalaki at kumuha ng ilang pirasong token sa kaniyang desk. Inabot niya ang mga ito kay Ford.

    "Long time no see po. Basketball na naman, mga kuya?" Nakangiti ang lalaki sa amin. Bahagyang nakatingala ito. Palagi ko itong nakikita rito. Sa palagay ko ay high school student pa ito, probably senior high.

    "Syempre naman." Ngumisi si Ford. "Lalamangan ko pa ang record ko. 'Di ba?" Lumingon si Ford sa akin. Natigilan naman ako.

    Tumawa ang lalaking nasa harap namin. Pekeng tawa. Panakaw-nakaw ito ng tingin kay Ford. Alam ko ang tumatakbo sa kaniyang isip, pareho kami. Hindi kaya ni Ford. Nakakross ang mga kamay ko na tiningnan si Ford. Ngumiti lang siya. Binuka niya ang kanang kamay at nilahad ang token sa akin. Umiling ako. "Ikaw nalang." Tumango naman si Ford bilang tugon.

    Akmang tutungo na sana ako sa daan patungong basketball arcade machine nang makita kong lumihis ng landas si Ford. Natigilan ako. Mukhang gusto niya pang maglibot. Bumuntong hininga ako at tumabi sa kaniya. Mabagal ang aming paglalakad gawa ng kaniyang sitwasyon. Maraming tao rito sa arcade. Bata, parents, high school students, at mga kaedad ko ay nandito. Nilibot namin ang tingin sa mga na machines. Masarap sa mata ang makukulay na lights na nagkalat sa paligid. Pula. Dilaw. Kahel. Lila. Asul. Hindi rin nakaligtas ang mga ingay ng machines sa aking tainga.

    "Nakakamiss pumunta rito." Nilingon ko si Ford. May ngiti sa kaniyang labi. Nakatingin siya sa paligid at hindi sa akin.

    Kumunot ang noo ko. "Namiss eh palagi nga tayong pumupunta rito after class."

    Tumawa si Ford. "Pero hindi na tayo nakakapunta rito simula nang nagkaganito 'to." Nakatingin si Ford sa kaniyang kaliwang paa. Balot ito ng puting bandage. Natigilan ako. Oo nga, simula noong na-injure ang kaniyang paa ay hindi na kami pumapalagi rito.

    Tumango ako bilang sang-ayon sa kaniya. Nagpatuloy kami sa paglibot dito sa silid. Sa aming paglalakad ay nahagip ng nga mata ko ang mga nagtatakbuhan na dalawang bata. Mabilis ang pangyayari. Biglang nasagi ng isang bata ang saklay ni Ford. Agad na nawalan ng balanse si Ford. Napasinghap ako at agad na pinigilan ang pagtumba ng kaniyang katawan. Ramdam ng mga kamay ko ang biglang paglamig ng katawan ni Ford. Napabuntong hininga ako. Muntikan na.

    Bumuntong hininga si Ford habang inaayos namin ang sarili niya. "Muntikan na." Humawak siya sa kaniyang dibdib. "'Kala ko mamamatay na ako." Tumawa siya ng peke. Alam kong kabado parin siya sa nangyari. "Thank you, Lix." Kita sa mga mata niya ang sinseridad. Nakangiti ito sa akin. Tinanguan ko siya at ngumiti ng tipid.

    Tinanaw ko ang mga batang tumatakbo. Medyo malayo na sila sa kinatatayuan namin. "Nasaan ba ang mga magulang n'un? Hindi man lang binantayan," mahina kong sabi. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

    "Hayaan mo na. Para sa mga bata naman ang lugar na 'to."

    Bumuntong hininga nalang ako. "Well, responsibelidad parin ng mga magulang na bantayan ang mga anak nila." Nasa tapat na kami ng isang claw machine. Bumuntong hininga ako. "At may mga bata talagang pinanganak na makukulit at medyo annoying."

    Tumawa siya nang mahina at huminto sa paglalakad. Napahinto rin ako. "Kaya ba ayaw mong magkaanak?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Nabawasan naman ng tamis ang kaniyang ngiti. Tumingin siya sa claw machine. Ganoon din ang ginawa ko. Nakita ko ang mga makukulay na stuff toys sa loob. "Ako, gusto ko." Nilingon ko si Ford. Nakatingin parin sa machine. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa akin at may ngisi sa mga labi. "Pero ikaw pa ang priority ko ngayon. At tsaka si Cholo. Kayo ni Cholo." Bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. Lakas makaasawa ah.

    "Oh ba't ka natatawa?" tanong niya pero alam ko natatawa na rin siya.

    Humakba na ulit ang aking mga paa. "Ewan ko sa'yo, Ford." Sumunod naman siya sa akin. "Maglaro ka na nga lang."

    Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Sus, excited ka lang talagang makita akong magshoot." Nilingon ko siya. Ang laki ng ngisi ng loko. Bumuntong hininga ako at umiling.
   
    Ilang saglit pa ay dinala na kami ng mga paa sa usual spot namin. Narating namin ang sulok ng arcade kung saan nakapuwesto ang apat na naglalakihang basketball arcade machine. Awtomatikong pumuwesto ang sarili ko sa pinakagilid habang siya naman ay nasa tabi ko. Tumukod ang mga kamay ko sa riles ng makina at tiningnan siya. Tiningnan niya rin ako.

    Nakita ko siyang naghulog ng isang token at unti-unting tumunog ang makina. Bumukas ang riles na nakaharang sa mga bola at nagpadausdos ang mga kahel na bola. Mukhang natuwa ang mga ito at hindi na makapaghintay na kunin ni Ford.

    Kinrus ko ang aking mga braso at sumandal sa makina.

    Ngumiti siya. "Kaya ko, kahit one hand at one leg pa." Tumawa siy bago sinandal ang isang saklay sa riles ng kaniyang nilalaro habang ang isa naman ay nanatili lang sa kaniyang kaliwang kilikili, inaalalayan ang kaniyang katawan. Tinaas niya bahagya ang nakabandage niyang paa. Bumuntong hininga ako. Pasikat din ang taong 'to.

      Kinuha ko ang tingin mula kay Ford at nilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Marami paring mga tao ang naglalaro rito. Natigilan ako nang makitang may magjowang naglalandian. Pwe.

    Binalik ko ulit ang tingin kay Ford. Focus na focus siya sa pagshoot ng bola. Tinanaw ko ang score niya. Nasa 10 na ito. Mula sa score display ay bumaba ang tingin ko sa katawan ni Ford at sa paa niya. Nakatutok na ako sa injured niyang paa. Napasinghap ako. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mukha. Tanginang Bryan 'yan.

    Huminga ako ng malalalim at muling tiningnan si Ford. Focus parin sa laro. Umiling ako. It was me kung bakit injured siya ngayon. Well, partly dahil sa akin.

    "Oh nakatulala ka diyan." Hindi ko namalayang natapos na ang dalawang minutong paglalaro ni Ford. May hawak siyang bola. "Alam ko naman na magaling itong boyfriend mo." May ngisi sa kaniyang labi. Hindi ako nakaimik. Shinoot niya ang bola. Walang sangit. Diretsong pumasok sa ring. Napatingin ako sa score. 21. Sinulyapan ko si Ford. Pangiti-ngiti pa siya. Napangiti rin ako ng kunti. Not bad para sa sabi niyang one hand one leg.

    Umisa pa siya, pero this time hindi na umabot ng 20 ang score niya. Pagkatapos ay naglibot pa kami ng ilang minuto sa loob. Naglaro siyang parang bata. Ilang sandili rin ay napagpasasyahan na naming lumabas.

    Pagkatapos namin sa arcade ay pumunta muna kami sa apartment ni Ford. Naiwan niya raw na bukas ang rice cooker. Well, siya lang ang pumasok dahil nagpaiwan ako sa sasakyan. Kita ko naman ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Umiiling ang aking ulo. Alam ko ang binabalak niya. "Galawang Ford," bulong ko sa sarili.

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon