INAYA ni Peter si Alexis sa mga nagkukumpulan. Sa mga nanonood ng badminton. Nang marating ay napangiti siya. Sa tuwing nakakakita siya ng shuttlecock na lumilipad ay nagliliyab talaga ang kaniyang puso. Marahil ganoon talaga basta bata pa lang ay naglalaro ka na ng badminton.Nasa gilid lang sila ni Alexis, kasama ang iba pang nanonood. Ilang pasahan pa ng shuttlecock ay natapos na ang laro. Isang lalaking naka black cap ang pumagitna.
"Sinong gustong maglaro?"Tanong nito sa kanila.
Naramdaman ni Peter na binunggo ni Alexis ang balikat sa braso niya. Napatingin siya sa kaibigan. "Ikaw," bulong nito. Napangiti si Peter pero agad ding umiling. Gusto niya pero ayaw rin niyang pagpawisan.
"Boyfriend ko, si Felix." Isang tinig ang naghari sa mahinang ingay ng mga nagkumpulan. Napahiyaw naman ang iilan.
Napalunok si Peter nang marinig ang pangalan ni Felix. Katunggali niya ito sa university, at ito rin ang lalaking in-offend niya kanina. Napaisip siya. Baka gusto niyang ireconsider na maglaro.
Tiningnan niya si Alexis at nginitian. "Ako rin." Humakbang siya pasulong. Rinig naman niya ang cheer ng iilan.
Maybe ngayon, ito na ang chance niya para maredeem ang sarili.
Kumuha na sila ng racket at nagpunta sa kani-kanilang puwesto. Nagtanong pa si Felix sa lalaking naka sombrero kung pwede lang ba isang match lang, tiningnan naman si Peter ng lalaki at tumango siya. Ayaw niya ring pagpawisan.
Nagsimula ang laro sa pagserve ni Peter. Lumipad ito sa kupunan ni Felix pero agad din naman itong nasalo. Ilang pasahan pa ang nangyari at hindi nasalo ni Peter ang shuttlecock. Tumama ito sa kaniyang sahig. Unang nakapuntos si Felix. Napailing siya sa isipan. Nagserve na ulit at nagpatuloy ang laro. Ilang hampas pa ay hindi pa rin nakakascore si Peter.
"Score update?"
Napatingin si Peter sa senior niya. Si Clifford, magaling na basketball player at boyfriend ni Felix. Nakangisi ito. Alam ni Peter na iniinis siya nito. Napailing na lang siya. Sa bagay siya ang nagsimula. Gumanti lang siguro.
"6-Love."
"Ugh, that's my boy!"
Hiyawan ang mga nanonood sa inasta ng lalaki. Love pala ha. Nagserve si Peter at agad din namang hinampas pabalik ni Felix, tinugunan niya rin ito ng malakas na hampas at mabilis na lumipad ang shuttlecock sa kupunan ni Felix pero agad namang nasalo ng racket ni Felix. Nagrally sila at sa paghampas ni Felix ay kinulang ito sa taas at tumama sa net. Nakapuntos na si Peter na sinundan pa ng ilan.
Naghahabulan na ang score ng dalawa. Lamang lang ng kaunti si Felix. Hiyawan ang mga tao kapag may makascore. Mukhang wala silang pinapanigan. Ilang hampas pa ay nakaramdam ng kaunting pawis sa noo si Peter, kaya hindi niya gaanong binanatan. Pero kabaliktaran ang ginawa ni Felix. Todo ito sa laro. Pinagpapawisan na rin siya. Ganadong-ganado, siguro dahil sa mga cheer ng kaniyang boyfriend. Habang humahampas ay hindi maiwasan ni Peter ang mapaisip, ano kayang feeling ng sinusupurtahan ng isang boyfriend. At nang pinasa niya ang shuttlecock kay Felix, may hinanap ang kaniyang mga mata sa mga nanonood. Si Alexis. Kaibigan niya. Nakangiti ito at nang nagtama ang kanilang mga mata, nagthumbs up ang lalaki. Napangiti si Peter. Unti-unti na siyang ginaganahan. Tuwing nakaka score siya ay awtomatikong tumitingin ang kaniyang mga mata kay Alexis. Gusto niyang masiyahan ito sa laro niya. Gusto niyang makita itong nakangiti.
May rally pang nangyari bago natapos ang laban. 21-19. Pabor kay Felix. Humakbang si Peter sa net. Lalapit na sana si Felix sa lalaking nakasumbrero nang makita siya. Ngumiti ng tipid si Felix at lumapit sa kaniya. Nagkamayan sila sa ilalim ng net.
"Sorry sa inyo kanina," unang sabi ni Peter. Bahagya namang natigilan si Felix pero agad ding tumango. "Nice play, ang galing mo pa rin," dagdag niya.
Ngumiti ng tipid si Felix. "Ikaw rin."
Pagkatapos ng kamayan ay agad silang lumapit sa lalaking nakasumbrero. Binalik nila ang mga racket at nag-iba na ng landas. Si Felix kay Clifford, si Peter kay Alexis.
Paglapit niya kay Alexis ay binati siya agad nito. "Good job."
Ngumiti si Peter. "Magaling ba?"
Ngumiti si Alexis. Sincere. "Oo, you did great."
Lumawak naman ang ngiti ni Peter. Hinala papaalis si Alexis sa umpukan. Tumawid sila sa kalsada at narating ang malawak na boulevard. Ngayon siya naman ang naghihila. Ilang saglit pa ay binitawan niya na ang kamay ni Alexis.
"At dahil todo cheer ka sa'kin kanina, ililibre kita ng ice cream." Pagkasabi niya ay inakbayan niya si Alexis. Hindi niya alam pero parang ang sarap sa pakiramdam na maglapit ang kanilang katawan.
Natahimik naman ng ilang saglit si Alexis. Hindi siguro inaasahan ang ginawa ni Peter. "Peter, may pawis ka." Pagkasabi ni Alexis ay agad na inalis ni Peter.
"Sorry," sabi ni Peter.
Tumango naman si Alexis. "Okay lang," sabi niya habang sa unahan pa rin ang tingin.
Nang matanaw ang papalapit na sorbetero ay hinawakan ulit ni Peter ang kamay ni Alexis at dinala sa lalaking nagtitinda. Hindi ma-explain ni Peter, pero sa tuwing hawak niya ang kamay ni Alexis at gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Dahil ba best friend niya ito o may iba nang rason? Ngumiti siya. Either way he's good. Naalala niya ang concert. Kung may feelings man siya sa best friend niya pagkatapos ng concert. Iyon ay buong puso niyang tatanggapin.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...