PUMARADA si Ford sa usual spot namin. Katapat ito ng Castillo Grills. Inalis ko na ang seat belt na nakayakap sa akin. Nilingon ko si Ford, ganoon din ang kaniyang ginawa. Mula sa manibela ay nilipat niya ang kamay sa dalawa niyang saklay.
"Diyan ka muna." Tumango naman siya. Binuksan ko ang pinto ng saksakyan at agad na lumabas. Naglakad ako papuntang side ng kotse. Binuksan ito ni Ford. Nilabas niya muna ang dalawang saklay at inayos ito sa kaniyang kilikili. Ginabayan ko siya sa kaniyang paglabas ng saksakyan. Nang makalabas ay inayos niya ang sarili.
"Thank you, Lix," sabi niya sa akin. Sinara ko muna ang saksakyan. Tinanguan ko siya at nginitian.
Mula pa lang sa posisyon namin ay nalanghap na ng aking ilong ang bango ng mga inihaw na karne. Kumalam tuloy ang tiyan ko.
Pagpasok pa lang ng Castillo Grills ay lalo akong nagutom. Nilibot ko ang tingin sa loob. Kaunti pa lamang ang nasa loob. Hindi gaanong matao dito sa tanghali kumpara kung sa gabi.
"Order na tayo." Napalingon ako kay Ford. Nakatingin ito sa akin. "Gutom na kasi ako," bulong niya at tumawa ng mahina. Tumango ako at sinamahan siya sa counter.
Narating namin ang counter at bumungad sa amin ang babaeng nakaitim na uniporme at may puting cap kung saan nakatago ang buhok. Nginitian kami ni ate Joan.
"As usual, mga sir?" sabi niya with a friendly voice. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Ford. Nagthumbs up ako bilang sagot.
"Yes, ate Jo. Same price pa rin naman 'di ba?" Tiningnan ko si Ford at hawak na niya ang kaniyang wallet. Napakapa ako sa suot kung shorts. Nakuha ko ang cellphone ko pero walang naramdaman na wallet ang aking kamay. Shit. Naiwan ko na naman.
Nakatingin ako sa kamay ni Ford na may dinukot na 500 pesos. Tiningnan ko ulit siya. "Sorry, Ford. Naiwan ko wallet ko," sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na babawi ako susunod pero malabo nang mangyari.
Inabot na ni Ford ang bayad kay ate Joan. "Ano ka ba, Felix. Huwag kang magsorry." Lumapit ng kaunti ang mukha niya sa tainga ko. "Basta ako ang kainin mo mamaya." Tumawa siya ng mahina. Bumuntong hininga ako. Yeah not happening.
Nagpunta na kami sa upuan malapit sa entrance. Unang umupo si Ford at sinandal ang kaniyang dalawang saklay sa puting dingding. Umupo ako sa silyang kahoy, katapat niya. Sa gitna namin ay nakapuwesto ang parisukat na mesa. Brown at fully polished. Sa ibabaw nito ay may mga lalagyan ng sawsawan at sili.
Kinuha ko muli ang cellphone ko at nagconnect sa wifi. Nagchat ako kay Miko at nilipat ko ang app sa Facebook. Buti na lang at hindi ko rin naiwan 'to. Nagscroll ang hinlalaki ko at ang mga mata ay nakatutok sa screen. Tumatango ako sa mga pinagsasabi ni Ford. Bumuntong hininga ako. Another business talk na naman.
Ilang sandali pa ay nakita ng sulok ng mga mata ko ang paparating na lalaki. Mukhang dala nito ang aming pagkain. Binaba ko ang aking cellphone at nilapag sa mesa. Napakunot ang aking noo. Nakita ko si Darwin na hawak ang itim na tray. Sa ibabaw ay naroon ang mga plato at ang pagkain namin. Pumagitna siya at isa-isang nilapag ang aming in-order. Binigyan niya rin kami ng plastic gloves.
Nagsitakas ang mga usok mula sa pagkain. Sumabog ang amoy ng chicken insal. Nagdiwang naman ang tiyan ko. Sinuot ko na ang gloves sa kamay ko at kinalat ng kaunti ang maayos na nakaumbok na rice. Naglagay ako ng chicken oil at kinalat sa kanin. Nagsimula na akong sumubo.
Sa sulok ng mga mata ko ay kita ko si Darwin na nakaupo sa extra silya sa gitna namin. Kausap niya si Ford, ang kaniyang pinsan, na ngayon ay sinusuot ang plastic gloves.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...