37. FE

38 7 0
                                    

    GABI na. Nakatuon ang tingin ni Fe sa pinapanood na pelikula. Nasa sala siya kasama ang anak at ang kaniyang Mama Melda. Kakatapos lang nilang maghaponan. Silang tatlo lang ang nasa bahay.

    "Mukhang nagsimula na ang concert," sabi ni Melda.

    Kahit medyo malakas ang TV ay dinig pa rin nila ang musikang nasa kalayuan. Medyo malayo rin ang bahay nila sa Dipag Boulevard kung saan gaganapin ang concert. Medyo may panghihinayang siya ngayon. Kung noon palagi siyang nakakagala , ngayon ay stuck siya sa bahay kasama ang kaniyang Mama Melda at ang anak. Ganito na siguro kapag ina ka na. Kahit medyo nanghihinayang ay napangiti siya. "I hope ma-enjoy nina, Felix ang concert," sabi niya kay Melda.

    Ngumiti si Melda. "Sana nga."

    "I'm sure naroon din si Dad ngayon."

    Natawa ang Mama Melda niya. "Paano na lang kaya kung magkita sila ni Felix."

    Natawa na lang din siya. "Sana nga, Mama Melda para mapakilala na ni Dad ang kapatid namin," sabi niya at tiningnan niya si Frank. Nakahiga ito sa sofa at nakapikit ang mata. Ang ulo niya ay nasa hita ni Fe. Ngumiti si Fe. Si Frank ang the best na nangyari sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok nito. Naalala niya rin ang batang kasama ng kaniyang Dad. Kasing-edad din ito ni Frank. Napangiti ulit siya. She is sure na magiging magkaibigan sila balang araw. Muli niyang binaling ang tingin sa pinapanood na pelikula. Nilalaro niya pa rin ang buhok ng anak.

    "Mommy."

    Napatingin ulit si Fe sa anak. Dahan-dahan ng nakabuka ang kaniyang mga mata. Nanghihina rin ang mga ito.

    "Bakit anak?" Kalmado ang kaniyang boses.

    "Mommy," sabi ni Frank, nakahiga pa rin. "Nahihirapan akong huminga."

    Sapat na ang sinabi ng anak para bumilis ang tibok ng puso ni Fe. Narinig niya ang pagsinghap ni Melda. "Anak. Anak. Frank. Mama Melda, pakikuha po ng nebulizer," pagkasabi niya ay nasa hagdanan na si Melda. "Anak, Frank bangon ka muna ha." Pinipilit niyang kalmahin ang boses. Nanginginig na siya. Hinahaplos niya ang buhok ng bata. Bahagya namang nakapikit ang mga mata ni Frank habang naghahabol ng hangin. "Mama Melda! Mama Melda!" Naluluha na siya.

    Dumating na si Melda dala ang machine. Nagpunta siya sa saksakan at pinaandar ito. Habang si Fe naman ay nilagyan ng maliit na cushion ang likuran ni Frank. Pinasandal nila ito at pinasuot na nila ang plastic mask ng machine. Kagaya ng anak ay hinahabol din ni Fe ang kaniyang hininga.

    "Fe, kalma." Silang dalawa na ni Frank ang ginagabayan ni Melda. "Fe, huminahon ka." Naluluha pa rin si Fe. "Frank, apo. Inhale mo lang ang oxygen okay?" Pagpapahinahon ni Melda. Tumango naman si Frank. Hinahaplos ni Melda ang buhok ng bata. Inaayos para maging presko ang lagay nito.

    Sa kabilang banda ay kinuha ni Fe ang cellphone. Hindi naman na ito bago ang tagpong ito kay Fe pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kaya, inaatake pa rin siya ng nervous. Napatawag siya sa kaniyang Dad.

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon