NAGISING si Fernand, na may pag-aalangang naramdaman. Ngayong araw ba o bukas na lang? Ngayong araw ba o sa susunod na lang? Ganiyan ang tanong sa kaniyang isipan, pero iba sa puso niya. Iba ang gusto nito, iisa lang ang gusto nito, tiyak at sigurado. Bumangon si Fernand at pinagbahala na lang.
HUMAKBANG pa baba si Fernand. Nang nasa unang palapag na ng bahay ay nagtungo agad siya sa sala. Doon nakita niya ang apo na nakaupo sa sofa. Napangiti siya. Pumasok sa isip niya ang panganay na anak, si Fe. Kahit papano ay may magandang naidulot ang pagsusuwail nito. Bagaman hindi maganda ang walang kinikilalang tatay ang apo niya ay hindi pa rin iyon hadlang para tanggapin ng buo si Frank. Susuportahan niya si Fe, susuportahan niya si Frank.
Sumagi rin sa isip niya si Jay, kasing-edad lang ito ni Frank.
"Oh, Frank. Bakit hindi ka nanonood ng TV?" Tanong niya at natigilan din nang maalalang brownout.
"Lolo Fe, brownout." Paalala ulit ni Frank.
Napailing na lang si Fernand at umupo sa sofa. Doon nakita niya si Cholo na nakikipaglaro kay Frank.
"Lolo Fe, where are you going? May bibilhin ka?" Tanong ng apo niya nang makita ang porma niya.
Ngumiti at tumango si Fernand. "Yes, apo." Napailing ang utak niya, kanina wala sa plano niya ang mamili. "May ipabibili ka?"
Agad na ngumiti ng malawak si Frank. Nasa kaniya na ang buong atensyon ng apo. "Badminton po, I want badminton kagaya kay Tito!"
Bumuntong hininga si Fernand at pilit na ngumiti. Lumapit siya sa apo at hinaplos ang buhok. "Frank, alam mo naman na bawal ka 'di ba?" Sabi niya at unti-unti namng nawala naman ang ngiti ng apo kaya nagsalita siya at nag-isip ng paraan. "Chess na lang, chess. Tuturuan ka ni Lolo Fe magchess."
"What's that?" Inosente nitong tanong.
"A game na gusto rin ng Tito Felix at ng Mommy mo."
Unti-unti na namang sumilay ang ngiti ni Frank. "Oh I want that."
Tumango si Fernand at nginitian si Frank. "Magugustuhan mo."
Nagkwentuhan pa sila ng kaniyang apo nang tumunog ang door bell. Tumayo siya at nagpaalam muna sa kaniyang apo. Nagtungo siya sa gate at kita na niya agad si Clifford. Binati siya nito na tinugunan na niya. Pinapasok na niya sa bahay at nang papunta na sila sa sala ay nakita nila si Melda na huli na para buksan ang gate. Nagbatian muna sila ni Clifford at agad ding umalis si Melda.
"Clifford, nag-away ba kayo ni Felix?" Pagkaupo nila ng sofa ay agad niyang tinanong ang boyfriend ng anak.
Kumunot naman ng bahagya ang noo ni Clifford. "Hindi naman po, sir. Bakit po?" Bakas ng mukha nito ang pagkalito.
Umiling naman si Fernand. "Natanong ko lang. Huwag mo na isipin," tugon ni Fernand. Nakumbinsi naman siya kaya hindi na nagtanong pa. Hindi niya na rin tinangka pang tanungin ang pag-inom ni Felix. Mukhang nagparty lang talaga si Felix.
"Uy. Hi, Clifford."
Napalingon si Fernand at nakita ang anak na si Fe. Lumapit ito at umupo sa tabi ni Frank.
"Good morning, Ate."
"Pupunta kayo mamaya ni Felix sa concert?"
Natigilan si Fernand sa tanong ng anak. Of course pupunta rin sina Felix.
"Yes, Ate."
Pagkasagot ni Clifford ay tumayo si Fernand at nagpaalam na umakyat.
"LUCY, pupunta rin si Felix mamaya."
Nakatuon sa tainga ni Fernand ang kaniyang cellphone. Dinig niya sa kabilang linya na natigilan ang babaeng kausap.
"Huwag na lang kaya tayong tumuloy." Dinig niya sa kabilang linya.
"Hindi ba mas maganda nga na makita tayo nila?" Tugon ni Fernand at nang walang narinig na sa sagot ay muli siyang nagsalita. "Para hindi na sila gaanong mabigla bukas."
"Paano kung hindi tayo tanggap ng mga anak mo." Sa wakas nagsalita ulit si Lucy. "Lalo na si Felix."
"Lucy, isa ka mga paboritong guro ni Felix, alam mo 'yan," pabirong sabi ni Fernand.
"And alam ko rin kung gaano niya kamahal ang mama niya."
Napasinghap si Fernand. Umiling siya at bumuntong hininga. "Maintindihan din niya."
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...