"HANDA na ba kayong masaktan?"
Naghiyawan ang mga tao sa tanong ni Basil. Napailing nalang ako at tinanaw ang buwan na naghari na sa kalangitan.
"YES!"Napatingin ako kay Ford. Todo cheer siya sa kaniyang kapatid. Napangiti na lang ako ng tipid.
"Yes pala ha?!" Sabi ko kaya napalingon si Ford sa akin.
"Joke lang." Agad niyang sabi.
Tumawa na lang ako at umiling. Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nag announce pa si Basil ng una nilang ipeperform na kanta bago unti-unting tinabunan ng malakas na tugtog ang field.
Ilang tugtog pa ay nagpasalamat na si Basil sa crowd bago umalis ang kaniyang banda. Pinalitan sila ng isang host. Nasa gitna ito ng entablado at may hawak na mic. Napatingin ako sa paligid. Dumarami na ang tao. Medyo siksikan na ang lugar."Are you guys ready for The Raven?!" Malagong boses ang sumaklaw sa field. Naghiyawan naman ang mga tao. Nakakabingi. Muling tumunog ang mic. "But before that, let's give a warm welcome to our beloved Mayor! The one and only : Mayor Anabel Santiago!"
Natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagkaba.
Puno ng hiyawan ang mga tao sa paligid, inaabangan ang paglabas ng babae sa entablado. Pero wala. Walang mayor ang lumabas. Nanatili parin ang lalaki sa stage. Nakangiti ito. Any minute lang daw ay dadating na si Mayor.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting may umalingawngaw sa kalangitan. May dumagundong. Tumingala ang lahat. Tumingin ako sa taas. Saglit na napalabas ang hangin mula sa aking bibig. Isang helicopter.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipaliwanag. Nakatuon lang ang aking mga mata sa sasakyan.
Nanatili ito sa taas namin. Dinig na dinig ko ang pag-ikot-ikot ng mga blades nito sa kalangitan. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang mangilabot. Parang ilang saglit lang ay may mangyayaring masama. Hindi ko maipaliwanag.
Napalaki ang mata ko. Biglang may sumabog. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. kasabay ang pagsabog ng puso ko. Tila nakapako ako sa kinatatayuan ko. bumubulusok ang saksakyan paibaba. Nagliliyab ang mata ko. Hindi ako makagalaw. Mamatay na ba ako?
Dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...